^

Punto Mo

Lampong (324)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

LUMINGON si Tanggol sa pagtawag ni Jinky.

Hindi makapaniwala si Jinky sa nakita. Pinaglala­ruan ba siya ng kanyang mga mata. Kilalang-kilala niya ang nakaupo sa kama.

‘‘Dick? Ikaw nga ba Dick?’’

“Oo, Jinky. Ako si Dick alyas Tanggol.’’

Sapat iyon para mabilis na lumapit si Jinky kay Dick at hinalikan ito sa labi at pisngi. Niyakap ito nang mahigpit. Sa sobrang pagka­sabik niya rito ay nakali­mutan niyang may sugat nga pala ito sa tagiliran.

‘‘Ay sorry Tanggol este Dick…’’

“Okey lang Jinky. Hindi naman masakit ang sugat. Puwede ulitin mo ang ginawa mo, please…”

Biglang hinalikan uli ni Jinky sa labi sa Dick. Matagal silang naghalikan. Halos ayaw na nilang maghiwalay. Sob­rang pagkasabik ang nadama nila sa isa’t isa. Ang sarap ng kanilang halikan.

Naawat lamang ang mainit at naglalagablab nilang pagha­halikan nang pumasok ang nurse para kunan ng blood pressure si Dick.

Nang makalabas ang nurse ay muli silang naghalikan. Walang pagkasawa ang da­lawa.

Nang maghiwalay ay hinabol nila pareho ang hi­ninga.

“Mahal na mahal kita Jinky.’’

“Mahal din kita Dick.’’

“Sorry kung kinailangan ko pang magbalatkayo. Iyon lang ang naisip kong paraan para sorpresahin ka.’’

“Hindi nga ako makapa­niwala, Dick. Paano mo naisip yun?’’

“Gusto ko maging memorable ang muli nating pagki­kita. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang may mangyayari pa palang hindi inaasahan.’’

“Pero salamat sa ginawa mong pagbabalatkayo dahil nailigtas mo ako sa masamang tao.’’

‘‘Huma­nga naman ako sa tapang mo, Jinky. Buo rin ang loob mo. Kung ibang babae ang nakaranas ng pinag­daanan mo, baka nag-backout na.’’

“Pinatapang ako ng mga nangyari sa akin, Dick. Ka­ilangan palang makaranas nang mga matinding pag­subok para ako maging ma­tatag sa buhay. Marami akong natutuhan Dick.’’

“Kung namatay kaya ako sa bombang sumabog sa kamalig, iiyak ka, Jinky.’’

“Siyempre naman, ano?’’

“Talaga, iiyak ka?’’

“Oo.’’

“Pahalik nga uli.’’

Inilapit ni Jinky ang bibig kay Dick. Naglapat uli ang kanilang mga labi.

(Itutuloy)

 

vuukle comment

AKO

BIGLANG

DICK

JINKY

NANG

OO

PERO

SHY

TANGGOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with