Type mong Unatin ang iyong Buhok?
NARITO ang mga natural at murang paraan upang ma-achieve ang straight hair. Ang epekto nito ay hindi instant kagaya ng ginagawa sa hair salon. Gumagamit kasi sila ng chemicals na perwisyo naman sa buhok.
Gata ng Niyog at Lemon
Ang dami ng kakang gata ay depende sa haba ng iyong buhok. Haluan ng lemon juice mula sa kalahating piraso. Haluing mabuti. Itabi sa refrigerator ng 3 oras. Sa ibaba lang at hindi sa freezer.
Kapag nakitang pumaibabaw ang “white creamy layer†sa glass container, kutsarahin ito at ihiwalay sa ibang lalagyan. Ang namuong creamy layer ang ipahid sa buhok, umpisahan sa anit hanggang sa pinakadulo.
Ilublob sa maligamgam na tubig ang towel. Pigain, ito at ibalot sa ulo sa loob ng 30 minutes. Mag-shampoo. Gawin ito nang regular, mga 2 beses sa isang linggo. Hindi lang mauunat ang iyong buhok, kikintab ito at matatanggal din ang iyong balakubak.
Makikita ang magandang epekto pagkaraan ng isang buwan o higit pa depende sa kulot ng buhok. Maging matiyaga lang sa pagsasakatuparan ng “hair ritual†na ito.
Celery Juice
Hiwain ng maliliit ang stem at leaves ng celery. Ilagay sa blender. Dagdagan ng tubig—kalahating tasang tubig sa 2 tasang hiniwang celery. Ang dami ng celery ay depende sa haba ng iyong buhok. I-blender. Gumamit ng malinis na kamisetang basahan. Ilagay ang celery. Pigaing mabuti at kunin ang juice.
Ilagay sa spray bottle ang juice at itabi sa cabinet ng isang araw para may mabuong compounds sa juice na mag-uunat sa buhok.
Kinabukasan, bago maligo, iisprey ang juice sa buhok. Imasahe ang anit at mismong buhok upang kumalat ang juice. Ibabad ang juice sa buhok ng 30 minutes saka mag-shampoo. Gawin ng dalawang beses sa isang linggo. (Itutuloy)
- Latest