^

Punto Mo

Lampong (317)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

LUMITAW sa pinto si Tanggol.

“Ako ang harapin mo, hayup ka!” sabi nito.

Si Pac ay hindi makapaniwala sa nakita. Paanong nangyari samantalang patay­ na ang taong ito? Si Jinky ay nabuhayan ng pag-asa.

“Hindi ka makapaniwala. Akala mo patay na ako. Ako ang harapin mo. Bitiwan mo si Jinky.”

Tulala pa rin si Pac.

Sinamantala iyon ni Jinky. Mula sa pagkaka­hawak ni Pac ay nagpi­piglas at mabilis na nakawala. Nakatakbo kay Tanggol.

“Tanggol! Tanggol!”

“Huwag kang matakot, Jinky. Tapos na ang ka­samaan ng hayup na ito. Hindi na masusundan ang mga ginawa nito sa’yo.’’

“Mag-ingat ka Tanggol. May baril ang demonyong yan.”

“Sige magtago ka Jinky, ako nang bahala rito.’’

Mabilis na nagtago si Jinky.

Mabilis namang sinugod ni Tanggol si Pac. Isang malakas na suntok ang pinadapo niya rito. Ilandang si Pac. Kasunod niyon ang isang malakas na sipa sa tagiliran. Bagsak si Pac.

Susugurin uli ni Tanggol pero nabunot ang baril sa tagiliran. Tinutok kay Tanggol. Pero mabilis ang pangyayari. Dinamba siya ni Tanggol. Nag-agawan sila sa baril. Nagpagulung-gulong sila.

Hanggang sa makalabas ng kuwarto. Nahulog sa hagdan. Hindi  sila bumibitiw sa baril.

Hanggang sa pumutok ang baril.

“Bang!”

(Itutuloy)

BAGSAK

BITIWAN

DINAMBA

HANGGANG

JINKY

MABILIS

SI JINKY

SI PAC

TANGGOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with