^

Punto Mo

Winner versus Loser

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Ang Loser, isang beses lang mabigo, sumusuko na. Ang Winner, hindi sumusuko kahit tambakan mo ng 1000 kabiguan.

Ang Loser, titingnan ang tagumpay pagkarating sa finish line. Ang Winner, nakikipagkarera pa lang, feel na niya ang success.

Ang Loser, nagtatrabaho para kumita ng pera. Ang Winner, nagtatrabaho para may patunayan.

Ang Loser, gustong maabot ang tagumpay sa isang biglaan. Ang Winner, iniipon ang maliliit na tagumpay at pagkatapos ay ito ang gagawing hagdan para sa mas malaking tagumpay.

Ang Loser, naghihintay sa konkretong resulta. Ang Winner ay naghihintay sa “unexpected”.

Ang Loser, humihingi ng respeto. Sa Winner, kusa iyong ibinibigay sa kanila.

Ang Loser tumititig sa problema. Ang Winner naghahanap ng solusyon.

Ang Loser, binabayaran ang kanilang oras.  Ang Winner, resulta ng kanilang trabaho ang binabayaran sa kanila.

Ang slogan ng Loser: Let things happen. Sa Winner: Make things happen.

Ang Loser, sa kapwa niya Loser sumasama. Ang Winner, bumabarkada sa Winner na mas maraming success ang nakamit kaysa kanya.

Tawag ng Loser sa kanilang sarili ay expert. Ang Winner ay naniniwalang marami pa siyang dapat matutuhan.

Naniniwala ang Loser na kaya nagtagumpay ang tao ay dahil sinuwerte lang. Ang Winner ay naniniwalang mas masipag ang tao, mas sinusuwerte.

Nakasimangot lagi ang Loser. Ang Winner, laging nakangiti.

Sa Loser, walang epek ang artikulong ito. Sa Winner, itatago niya ang kopyang ito at  isasapuso ang kanyang nabasa.

ANG LOSER

ANG WINNER

LOSER

MAS

NAKASIMANGOT

NANINIWALA

SA LOSER

SA WINNER

TAWAG

WINNER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with