^

Punto Mo

Lampong (314)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

PATULOY si Pac sa gi­nagawa kay Jin­­ky. Na­papikit na lamang si Jinky. Hindi niya akalaing mang­yayari ang ganito sa kan­yang buhay. Nagpilit siyang ma­bago ang buhay pero bakit ganito ang kinasad­lakan niya. Isang masamang tao lamang pala ang makikinabang sa kanyang katawan. Sana ay hindi na lamang siya umalis sa Maynila at namasukan na lamang na GRO o kaya’y nagsayaw sa isang KTV roon. Kahit na salaulain siya ng lalaki roon ay okey lang dahil trabaho niya iyon. Pero ngayon, isang hayop na lalaki ang wawarat sa kanyang pag-kababae.

“Napakasuwerte ko na­man talaga. Walang ka pang kapingas-pingas, Jinky. Siguro mahina ang siyo­ta mong si Tanggol ano. Pinababayaan ka siguro. Suwerte mo rin naman at ako ang nakadale sa’yo…’’

Tahimik lang si Jinky. Sinusulyapan niya ang baril sa bulsa ni Pac. Sa isip ni Jinky, kapag nakakita siya ng pagkakataon, aagawin niya ang baril at uuupakan niya ang demonyong ito. Sisiguruhin niyang bubulagta ang demonyo.

“Mahinang klase nga ang siyota mo dahil nadale sa kamalig. Mga walang utak kasi na basta sumugod  doon. Akala yata ay bobo ako na basta nila mapapa­sok. Hindi nila alam na yung droga na nasa kamalig ay peke. Mga apog lang iyon na kunwari ay shabu. Napakawalang-utak talaga. Ayun, dedbol…”

Napapikit si Jinky. Patay na nga kaya si Tanggol?

“Ang gusto kong makita ay ang pinaka-maganda sa lahat, Jinky. Siguro, hindi pa rin napapakialaman ni Tanggol yan ano. Mahinang klase kasi.’’

Inapuhap ni Pac ang siper ng jeans ni Jinky.

‘‘Buksan ko na ha. Hindi ko naman hahawakan at baka mapanis, titingnan ko lang kung gaano kaganda. Siguro, parang pugad ng uwak ‘yan ano?’’

Napapikit si Jinky. Eto na yata ang katapusan niya. Baka dito na mawarat ang pagkababae niya.

Sinulyapan niya ang baril. Agawin na kaya niya at bahala na. Patay kung patay na! (Itutuloy)

JINKY

MAHINANG

NAPAPIKIT

NIYA

PATAY

SHY

SIGURO

TANGGOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with