^

Punto Mo

Lasing na lalaki, pumasok sa hamburger store, naupo sa high chair, naipit at hindi makaalis

- Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lasing na lalaki umano sa Cork, Ireland ang pumasok sa isang sikat na hamburger store doon. Agad na naghanap nang mauupuan at nang walang makita ay ang high chair na ginagamit ng mga bata ang napag-tripang upuan.

Biglang ibinagsak ng lalaki ang puwit sa high chair. Swak na swak! Pero nang tatangkain na niyang umalis, hindi na siya makakilos. Naipit na siya ng upuan. Kahit anong pilit niyang makakawala sa pagkakaipit ay hindi niya magawa.

Nang inaakala ng lasing na lalaki na imposible na siyang makaalis sa high chair ay nagsisigaw na siya. Tinulungan siya ng mga crew ng hamburger store pero hindi pa rin makaalis ang lalaki. Lalo lang humihigpit ang upuan sa kanyang baywang kapag siya’y kumikilos. Pawisang-pawisan na ang lalaki.

Hanggang sa ipasya ng pamunuan ng hamburger store na tumawag ng pulis.

Nang dumating ang mga pulis, pinagtulungang alisin ang lalaki sa pagkakaipit. Nagtagumpay ang mga pulis makaraan ang kalahating oras.

Nakahinga nang maluwag ang lalaki makaraang makaalis sa high chair. Tila nawala na ang kalasingan nito.

Hindi naman pinagbayad ng hamburger store ang lalaki sa ginawa nitong pag-upo sa high chair. Ganunman, ipinaalala ng management ng store na dapat ay bata lamang ang uupo sa high chair at kailangang may adult supervision. Delikado ito.

vuukle comment

BIGLANG

CHAIR

DELIKADO

GANUNMAN

HANGGANG

HIGH

KAHIT

LALAKI

NAGTAGUMPAY

NANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with