^

Punto Mo

Lampong (307)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

BINUKSAN ni Tina ang pin­to. Nang mabuksan, agad na pumasok ang lider ng mga lalaki. Si Pac! Napaatras si Tina. Hindi siya makapagsalita. Gumapang ang kilabot sa katawan niya. Nasa panganib sila ni Mam Jinky.

Si Jinky ay agad napasugod sa pinto.

‘‘Pac!’’

‘‘Ako nga Jinky. Narito na kami. Mapapasaakin ka na ngayon, he-he-he!’’

“Diyos ko!’’

Pumasok na sina Pac at mga kasama. Napaatras sina Jinky at Tina. Walang kaimik-imik si Tina na para bang nalulon ang dila dahil sa matinding pagkabigla. Si Jinky naman ay mayroong binabalak. Nasa kahon ng TV cabinet ang kanyang baril. Pero paano niya iyon makuku-  ha na hindi malalaman ni Pac.

Dahan-dahan siyang umatras. Mga sampung hakbang paatras ang kinaroroonan ng cabinet. Kailangang gawin niya iyon nang mabilisan.  Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo, siyam, sampu. Pero bago niya nabuksan ang cabinet ay mabilis siyang nalapitan ni Pac. Pinilipit ang braso. Idinikit ang mukha sa mukha ni Jinky.

“Ooopps! Yan ang huwag mong gagawin. Lalo mo akong pinasasabik, Jinky, hmmm, ba­ngo mo. Sariwang-sariwa!’’ At saka siniil sa leeg si Jinky.

“Hayup ka, Pac. Magbabayad ka sa ginagawa mo. Darating na si Tanggol, papatayin ka niya.’’

Nagtawa si Pac.

‘‘Tanggol pala ang pangalan ng mayabang na long hair na yun. Huwag mo na siyang hintayin dahil, mamaya-maya ng konti, sasabog na ang kamalig. Naka-set na ang cell phone na magpapasabog dun!’’

Namutla si Jinky. May bomba sa kamalig! Mamamatay si Tanggol.

“Ano e di namutla ka! Aka­la mo siguro, bobo ako ano? Nalansi ko ang siyota mong long hair. Hindi man lang sila nagtaka kung bakit dadalawa ang bantay sa kamalig. Ubod pala ng tanga ang siyota mo!’’

“Hayup ka Pac!’’

“Talagang hayup ako --- sa romansa. Pasilip nga ng suso mo. Matagal ko nang gustong makita yan. Noon pang nagtungo ako rito. Nagpigil lang ako noon pero gusto ko nang lamasin talaga!” Sabi at dinaklot ang mga suso ni Jinky. Nagpipiglas si Jinky. Gustong makawala sa pagkakayapos ni Pac.

‘‘Demonyo ka Pac. Napaka-sama mo!’’

“Kahit ano pa ang sabihin mo Jinky Baby, sa akin ka na. Roromansahin na kita. Saan mo ba gusto, sa sopa o sa bedroom mo?’’

Nagpipiglas si Jinky nang hinila siya ni Pac patungo sa silid. Katapusan na nga yata niya sa kamay ng manyakis at drug lord na si Pac. (Itutuloy)

vuukle comment

HAYUP

JINKY

JINKY BABY

MAM JINKY

NAGPIPIGLAS

PAC

SI JINKY

TANGGOL

TINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with