^

Punto Mo

Lampong (306)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

BINUKSAN nina Tanggol ang mga kahon. Mga nakasupot na ang shabu. Ibibiyahe na marahil ang mga iyon.

“Kukunan ko ng picture ang mga ito,” sabi ni Tanggol. Inilabas ang cell phone at kinunan ang mga nakasilid na shabu sa kahon. Kinunan din ang kabuuan ng kamalig at ang mga aparato sa paggawa ng shabu. Mga sophisticated ang mga gamit. Kung pagmamasdan sa labas ang kamalig ay tila imbakan ng palay. Paano’y pawang sako ng palay ang nakapalibot sa mga makinarya ng paggawa ng shabu.

“Tiyak na maraming pinprodyus na shabu ang laboratoryo na ito. Maraming kabataan ang sinisira ng hayup na si Pac. Hindi mo akalain na dito sa gitna ng bukid ay may gawaan ng shabu.’’

“Sa pagkaalam ko, Sir Tanggol mga dayuhan  ang gumagawa ng shabu.”

“Ibig sabihin, may koneksiyon si Pac sa mga dayuhan. Paano nakapasok ang mga dayuhan dito sa bansa.”

“May kamag-anak daw sa Immigration si Pac, narinig ko. Kaya mga overstaying ang mga dayuhan at dito na nga tumitira.”

“Hayup pala talaga ang Pac na iyon. Pawang illegal ang negosyo.’’

“Nagtataka lang ako kung bakit walang tao rito sa laboratory at dalawang guwardiya lang ang nakita natin,” sabi ni Mulong.

“Maaring tapos na nga ang pagluluto ng shabu at pipik- apin na lang ang mga kargamento,” sabi naman ni Raul.

“Dapat makahingi na tayo ng tulong sa PDEA,” sabi ni Tanggol.

“Oo Sir. Delikado na abutan  tayo rito.”

“Tatawagan ko si Pareng Anton sa Pinamalayan. Nabanggit niya na may mga kilala siyang awtoridad. Sasabihin ko ayudahan tayo, positive naman na shabu lab ito. Kailangan siguro lusubin na nila ito…’’

Tinawagan ni Tanggol si Anton. Si Anton ay ang lala-king nakasakay niya sa barkong sinakyan mula Batangas hanggang Calapan Pier.

Nakausap agad niya si Anton at nangako  na ipaaalam sa mga awtoridad ang natuklasan nina Tanggol.

“Hihintayin namin ang mga awtoridad, Pareng Anton,” sabi niya.

“Oo, Pareng Dick este Tanggol nga pala. Pupuntahan ko na ngayon din ang chief ng PDEA para maikasa ang pagsalakay. Maghintay kayo at mag-ingat diyan.”

“Salamat Pareng Anton.”

Samantala, wala namang kamalay-malay sina Jinky at Tina na nasa delikadong sitwasyon sila. May kumatok sa bahay nina Jinky. Mga lalaki.

“Sino kaya yun, Tina.”

“Titingnan ko, Mam Jinky.”

(Itutuloy)

 

ANTON

CALAPAN PIER

JINKY

MAM JINKY

OO SIR. DELIKADO

PARENG ANTON

SHABU

TANGGOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with