Tupa, yosi at lapida
SA isang ulat sa New Scientist Magazine, sinasabi ng mga researcher ng Oxford University sa England na hindi mabuting gamot sa insomniac ang pagbibilang ng tupa. Sinabi ni Allison Harvey na napansin nila ng kasamahan niyang si Suzanna Payne na lumitaw sa pagsusuri nila na sa may 50 insomniac na mas madaling nakakatulog ang isang tao kung magaganda at nakakaigayang bagay o tanawin ang kanyang iisiÂpin. Maaaring, habang ikaw ay nakahiga, isipin mo na ikaw ay nasa isang baybaying-dagat o kaya ay nanonood sa isang rumaragasang waterfalls. Binanggit ni Harvey na mas malaking bahagi ng utak ang nagagamit ng pag-iisip tungkol sa mga kahali-halinang tanawin. At mas madaling manatili sa ganitong pag-iisip dahil nakakapukaw ng interes.
• • • • • •
Sinasabi naman sa isang pag-aaral ng Imperial Cancer Research Fund ng United Kingdom na mas malaki ang pangaÂnib na magkaroon ng lung cancer at sakit sa puso ang mga tao na hindi naninigarilyo pero merong kasamahan sa kanilang bahay na mahilig manigarilyo. Iyan ang tinatawag na second-hand smoke o passive smoking. Hindi mo type ang usok ng sigarilyo pero walang pakialam yaong mga mahilig dito kung nasasagap mo ang ibinubuga nilang “kamatayan.â€
• • • • • •
Merong klase ng lapida na, sa pamamagitan nito, aakalain mong nagsasalita ang isang patay. Nilikha ni Robert Barrows ng Burlingame, California (United States) ang lapida na may kakabit na video na magpapakita at magpaparinig sa mensahe ng taong nakalibing sa isang puntod. Ayon kay Barrows, Kung mapagtitibay ang patent na hiningi ni Barrows, umaasa siya na hindi lang huling testamento ang maiiwan ng isang namayapa kundi pati na rin ang kanyang huling video. Nakakabit sa lapidang likha ni Barrows ang isang flat touch screen, isang computer na may microchip memory o hard disc. Paaandarin ito ng kuryenteng magmumula sa lighting system ng sementeryo. Nauna na rito ang ibang nilikhang lapida na nagpapakita sa larawan at mensahe ng patay. Pero sa imbensyon ni Barrows, kumikilos at nagsasalita ang patay sa pamamagitan ng lapida nito.
- Latest