^

Punto Mo

‘Pusong ‘di sumusuko’

- Tony Calvento - Pang-masa

MAULAP na paningin, paang di matapak sa lupa ang isa    at mga sugat na matagal maghilom… palaging sariwa.

Ang mga sintomas na ito ay ilan lang sa mga nararanasan ng mga kababayan nating may sakit na ‘diabetes’. Ayon sa World Health Organization (WHO), sa taong 2030 aabot sa mahigit 360 Milyong katao sa buong mundo ang posibleng magka-diabetes. Sa mga ginawang pananaliksik, nasa 3.4 Million Pinoys na ang naitalang ‘diabetic’ mula taong 2010 kaya sa taong 2030 maari pang lumobo sa 6.16 million ang bilang ng ‘diabetics’ sa bansa.

Kaisa sa pagtulong sa mga ‘diabetic patients’ ang Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO at kanilang programa sa radyo, ang “PUSONG PINOY” ng DWIZ 882 KHZ. Umiere tuwing Sabado mula 7:00-8:00 ng umaga, hosted by Atty. Jose Ferdinand Rojas II o “Atty. Joy”, PCSO General Manager at Monique Cristobal.

Ang sakit na diabetes ay walang lunas o pang habambuhay. Ang sanhi nito, ang hindi paglalabas ng pancreas ng sapat na ‘insulin’ at ang pagdami ng ‘glucose’ o ‘sugar level’ ng dugo dahil sa sobrang pagkain ng mga matatamis. Sa ibang kaso naman, bata pa lang meron na silang diabetes (juvenile diabetes). Kadalasan namana nila ito sa kanilang magulang. Ang pag-inom ng ‘maintenance medicine’ ang tanging paraan para umigi ang kondisyon ng isang pasyenteng diabetic. Sa mahal ng presyo ng mga gamot na ito, ang programang “PUSONG PINOY” ay katuwang ng PCSO sa pagbibigay ng mga libreng medisina.           

Ilan sa lumapit sa “PUSONG PINOY” si Rodolfo Remoquillo ng San Pedro Laguna. Hinihingi niya ng tulong ang asawang si Rosanna Remoquillo. Labing anim (16) na taon ng may diabetes si Rosanna. Ang kondisyon niyang ito ang naging sanhi ng  pagkakaroon niya ng sakit sa bato (kidney failure). Ilang dekada na rin siyang sumasailalim sa dialysis. Sa dalawang karamdaman ni Rosanna hirap ang kanilang pamilya sa pagsustento sa kanyang pang araw-araw na gamutan dahilan para lumapit sila sa PCSO. “Sa kabila ng kundisyon ng asawa ko, hindi siya sumusuko kaya patuloy po kaming lumalapit sa inyo…” wika ni Rodolfo.               

Sakit sa baga na nauwi naman sa kumplikasyon ang tinuturong dahilan ng pagiging diabetic ni Angel De Paz. Ika-23 ng Abril taong kasalukuyan ng nagpunta sa “PUSONG PINOY” ang  misis ni Angel na si Carmencita de Paz. Kwento ni Carmencita, taong 2010 ng maoperahan sa baga si Angel. Aminado siyang mabis­yo noon si Angel. Nagsisigarilyo at umiinom. “Dun niya nakuha yung sakit niya sa baga…” ayon kay Carmencita. Matapos mao-perahan sa baga, pagkakaroon ng sakit sa bato (kidney) naman ang nararanasan ni Angel, idagdag pa ang kanyang pagiging diabetic. Sitentay nuebe anyos na pareho sina Angel at Carmencita, hindi na sila makapagtrabaho at malaking bagay ang natatanggap nila sa PCSO para sa gamutan ni Angel. “Patuloy po sana ninyong tulungan si Angel at ang mga kagaya niyang may karamdaman...” pahayag ni Carmencita.

Mas mabigat naman ang na-ging problema ni Anita Sanchez mula sa San Pedro Laguna. Dise otso anyos pa lang kasi si Anita umiinom na siya ng maintenance medicine para sakit na diabetes. Maliban dito meron din siyang ‘high blood pressure’ subalit nagsimula lang magpagamot ng siya’y mag-40 anyos na. Hindi natapos dito ang pasanin ni Anita. Nang magkaroon siya ng asawa, nalaman niyang lahat ng anak niya’y may juvenile diabetes.  â€œDalawa na sa anak ko ang namatay dahil sa diabetes,” pagbabahagi ni Anita. Isa si Anita sa patuloy na lumalapit sa PCSO para sa kanyang mga maintenance medicines. Hiling niya, “ Huwag po sana kayong magsawang tumulong sa mga taong may sakit na kagaya kong hindi makabili ng gamot…”

Ilan lamang sina Anita sa milyon-milyong pasyenteng humihingi ng tulong sa PCSO para sa kanilang patuloy na gamutan. Sa kabila ng walang lunas nilang karamdaman ang PCSO ay naniniwala na sa kaunting tulong mapapagaan nila ang kanilang mga suliranin.

“Walang sawa kaming aaga­­ pay sa mga kababayan nating may karamdaman na walang kakayahang magpagamot. Hanggang lumalaban kayo sa inyong sakit at ‘DI SUMUSUKO… kasama niyo kami dito sa PCSO sa paniniwalang isa lang itong pagsubok at malalapansan niyo rin ito,” ani Atty. Joy Rojas.

Mapapakinggan ang kabuuang kwento nila Anita at iba pang pasyente sa programang “PUSONG PINOY” sa DWIZ 882 KHZ tuwing Sabado mula 7:00-8:00 ng umaga.

Para sa gustong humingi ng tulong medikal, bukas ang opisina ng “PUSONG PINOY” Lunes hanggang Bi­yernes ganap 9:00 ng umaga sa 5th

floor CityState Center Bldg. 709 Shaw Blvd. Brgy Oranbo, Pasig City.

Hanapin lamang sina Pauline Ventura, Chen Sarigumba, Carla Calwit o Monique Cristobal.

PAALALA sa mga pas-yenteng lalapit, dalhin niyo ang kopya (photocopy) ng inyong updated medical abstract. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) Sa mga gustong dumulog para sa inyong legal problems maari kayong tumawag sa aming mga numero 09213263166(Chen) /09213784392 (Pauline) /09198972854 (Monique).  Landline 6387285 at 24/7 hotline 7104038. O personal na pumunta sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig City. Bukas kami Lunes-Biyernes.

 

ANGEL

ANITA

CARMENCITA

DIABETES

MONIQUE CRISTOBAL

PCSO

SAKIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with