^

Punto Mo

2 Beauty Tips

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Para tumagal ang lipstick sa lips

Sa gabi bago matulog, pahiran ng Vaseline or lip balm ang inyong lips. Bago aplayan ng lipstick sa umaga, marahang i-brush ng toothbrush ang lips para matanggal ang nabakbak na skin ng lips. Pahiran muna ng lip balm na may sunscreen ang lips saka ipahid ang lipstick.

Aplayan ng lip liner ang paligid ng lips. Pahiran ang lips ng face powder saka ipahid ang lipstick.

Gumamit ng lip brush upang maikalat nang pantay ang lipstick sa lips.

Gumamit na brighter color ng lipstick upang may kulay pa rin ang inyong lips kahit na lumipas ang ilang oras.

Patungan ng lip gloss ang lipstick.

Mas tatagal ang lipstick na ipinahid nang direkta mula sa lip brush or lip tube kaysa gamit ang daliri.

Ang ibang brand ng lipstick na may long-wearing formula (hindi kaagad nabubura pagkatapos makipaghalikan o kumain) ay nakakatuyo ng lips kaya laging uminom ng tubig upang maiwasan ang dryness.

Para mabilis humaba ang buhok

Huwag abusuhin ang buhok: Kung dry, hugasan ito nang twice a week. Kung oily, tuwing ikalawang araw. Imasaheng mabuti ang conditioner upang ang dugo sa anit ay dumaloy nang maayos kaya ang ugat ng buhok ay magiging masigla.

Iwasang gumamit ng hair products na may matapang na chemical ingredients. Iwasan din ang mga hair styling treatment na perwisyo sa buhok: curling, perming, straightening, crimping. Ang mga nabanggit ay nagpapalutong ng buhok.

Magpa-trim tuwing 6 to 8 weeks.

Kumain ng mga pagkaing mayaman sa protein, iron, at Vitamin E na nagpapabilis ng paghaba ng buhok.

 

vuukle comment

APLAYAN

BUHOK

GUMAMIT

HUWAG

IMASAHENG

LIP

LIPS

LIPSTICK

PAHIRAN

VITAMIN E

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with