^

Punto Mo

Red light

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ANG ina ang nagmamaneho ng kotse. Araw-araw ay inihahatid niya sa school ang kanyang anak na babaeng teen-eger. Pagkahatid sa school ay saka naman siya tutuloy sa trabaho. Inabot ng red light ang mag-ina.

“Haay…male-late na ako. Pang-abala talaga ’yang red light. Mommy, huwag na tayong dumaan dito bukas. Mas ma­raming traffic light dito. Doon sa kabilang route na dati nating dinadaanan ay isa lang ang traffic light. Doon na lang lagi tayo magdaan.”

Napansin ng anak na walang reaksiyon ang kanyang ina sa kanyang mga sinasabi. “Mommy narinig mo ba ang aking sinabi kanina?”

“Hindi”

“Bakit po?”

“Nagdadasal ako”

“Praying while driving? Baka mabangga po tayo…”

“A, hindi. Nagdadasal lang ako tuwing naka-red light. Sinasamantala ko ang sandali habang naka-stop tayo. Ipinagdadasal ko si Daddy, ikaw at ang mga kapatid mo.”

After all, hindi pala pang-abala ang red light. Nagiging signal ito para maalaala ng kanyang ina na ihabilin silang mag-anak sa pangangalaga ng Diyos. Kung may 3 o’clock Prayer habit sa Divine Mercy ang mga Katoliko, ang mommy niya ay may sariling “Red Light” Prayer habit.

ARAW

BAKIT

DIVINE MERCY

DIYOS

HAAY

INABOT

LIGHT

NAGDADASAL

RED LIGHT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with