Lampong (285)
BIGLANG nawala si Jinky. Saan kaya nagpunta? IbiÂnaba ni Tanggol ang tray na may dalawang tasa ng kape. Naisip ni Tanggol na baka naman nasa comfort room lamang si Jinky. Naghintay siya. Pero wala. Lalamig ang kape kapag hindi nahigop. Sayang ang masarap na timpla.
Hindi kaya nasa kuwarto niya si Jinky?
Tinungo ni Tanggol ang kuwarto ni Jinky. Bukas iyon. Sinilip niya. Nakita niyang nakaupo sa kama si Jinky. Narito lang pala.
Kinatok niya ang pinto.
“Tuloy ka Tanggol,†sabi ni Jinky.
“Saan mo po ba iinumin ang kape Mam Jinky?†tanong niya.
“Ipasok mo na rito sa kuwarto, Tanggol.â€
“Sandali lang po, Mam.’’
Kinuha ni Tanggol ang tray ng kape at dinala sa loob ng kuwarto. Nanatiling nakaupo sa kama si Jinky. Ang manipis na pantulog ay nakalislis. Nakalantad ang makinis na hita.
“Saan ko po ipapatong ang kape mo, Mam Jinky?â€
“Dun sa pandak na mesa, Tanggol.’’
Ibinaba ni Tanggol ang tray. Pagkaraan ay dinampot ang isang tasa at iniabot kay Jinky.
“Tikman mo Mam Jinky ang timpla ko.’’
Inabot ni Jinky ang tasa.
“Matikman nga,†sabi at humigop. Ninamnam ang lasa. “Ang sarap nga. Tamang-tama ang timpla. Mahusay ka ngang magtimpla, Tanggol!’’
“Salamat, Mam Jinky. E sige po lalabas na ako. Sa labas ko na iinumin ang kape ko.’’
“Dito mo na lang inumin. Magkuwentuhan tayo, Tanggol. Marami akong gustong malaman sa iyo…gusto kong malaman ang nakaraan mo.â€
Kinabahan si Tanggol. Nagdududa na ba si Jinky?
“Nakakahiya naman sa’yo, Mam Jinky. Dito pa sa kuwarto mo ako iinom ng kape.’’
“Ano naman kung dito ka iinom ng kape.â€
“Hindi bagay uminom dito.’’
Napatawa si Jinky.
“Masyado kang mahiyain, Tanggol. Siguro kahit minsan hindi ka pa nagkaroon ng nobya. Kasi sa tipo mo e parang takot ka sa babae…’’
Napalunok ng laway si Tanggol. Siya, takot daw sa babae.
“Nagkaroon ka na ba ng siyota, Tanggol?â€
Tumango si Tanggol.
Nakatingin si Jinky.
(Itutuloy)
- Latest















