Silbi ng panis na pagkain
KABILANG sa nagpapadagdag sa problema sa basura lalo na sa Metro Manila ay ang mga tirang pagkain na itinatapon lang kung saan-saan. Para sa mga technologist ng University of the West of England sa Bristol, maaaring makalikha ng kuryente mula sa mga tirang pagkain. Nag-eksperimento sila ng isang klase ng baterya na nakakalikha ng kuryente mula lamang sa organic waste. Mura lang anila ang naturang baterya na tinatawag na microbial fuel cell pero hindi ito tulad ng mga naunang MCF na gumagamit ng refined fuel. Sa ngayon, sugar cubes ang sinusubukan nilang gamitin sa MCF pero layunin nilang masubukan ito sa mga carrot. Kasingliit lang ng personal CD player ang baterya na kinapapalooban ng isang kolonya ng E. Coli bacteria. Malilikha rito ang enzymes na sisira sa carbohydrates at magpapasingaw ng hydrogen. Ang chemical reaction dito ang lilikha ng kuryente. Sinasabi pa ng mga scientist na walong oras na nagliliwanag ang isang 40-watt na bumbilya sa tulong lang ng 50 gramo ng asukal.
• • • • • •
Kung dito sa daigdig, ang basura ay inire-recycle, meron din ganito sa ihi ng mga astronaut na nasa mga space station na nakalutang sa kalawakan. Isang recycling system ang ginagamit na banyo sa space station. Dinadalisay nito ang ihi ng mga astronaut para ma-ging malinis at purong tubig. Pero kokonting astronaut lang daw ang “nagpapabola†na inumin ang kanilang ihi na ginawang tubig. Dahil dito, ginagamit na lang ang naturang “tubig†sa electron unit para sa paglikha ng oxygen na kailangan sa loob ng space shuttle. Kaya nga ang pinalinis na tubig mula sa ihi ay itinatabi para sa biglaang pa-ngangailangan. Ang mga dumi naman ng mga astronaut ay isinisilid sa mga bag na itinatambak naman sa isang malaking kahon. Isasakay naman ang kahon sa Progress freighter na kusang masusunog pagpa-sok sa atmosphere ng daigdig.
• • • • • •
Sino ang mas mabangis, ang tao o ang pating? Ayon sa International Shark Attack File, hindi kukulangin sa 10 ang bilang ng mga tao na napapatay ng mga pating sa buong mundo taun-taon. Pero 100 milyong pating naman ang napapatay ng mga mangingisda taun-taon. Dahil daw dito, lubhang nangongonti na ang mga pating sa karagatan.
- Latest
















