^

Punto Mo

‘Isang butas ka lang’

- Tony Calvento - Pang-masa

“TUMANGGAP kami ng hanapbuhay na mangalaga ng mga abo ng patay. Di namin akalain na bandang huli ang benepisyong makukuha namin ay ihahanay kami kasama nila.”

Nagtungo si Alkharj John Bacotoc, 31 taong gulang para ikwento ang kanyang problema. Si John ay isang tricycle driver, nakatira sa San Mateo Rizal, inirereklamo niya ang dati niyang kompanya na Divine Mercy Shrine Development isang Columbarium (lagakan ng abo ng tao) at ang Sheriff na si Richard Condeno. “Nagtanong lang kami tapos tatanggalin na nila? Masama bang malaman ang sariling karapatan?” Taong 2005 nang ipasok siya ng isang kaibigan para magtrabaho sa Divine Mercy Shrine. Sa ‘maintenance’ siya napunta.  “Wala kaming mga benepisyo. Sweldo lang talaga ang natatanggap ko,” kwento ni John. Tatlong taon siyang tumagal doon ngunit dumating sa punto na pakiramdam nila ng kanyang mga kasamahan na hindi makatarungan ang kanilang karapatan. Buwan ng Pebrero taong 2008 nagtungo si John kasama walo niya  pang kasamahan sa opisina ng Department of Labor ng Cainta. “Nalaman namin na 270.00PHP pala ang minimum sa Rizal,” wika ni John. Ika-14 ng Pebrero 2008 may nagpuntang opisyal ng labor sa kanilang opisina upang mag-inspeksiyon.

“Kinausap yung Architect, supervisor at ang amo namin na si Nicolas Uy de Baron. Tinatanong sila kung bakit wala kaming benepisyo at kulang ang sahod namin sa nakatakdang minimum wage,” salaysay ni John. Kinabukasan…ika-15 ng Pebrero 2008 kinausap sila ni Architect Melchora de Vera at ng Supervisor na si Janet Pareño. “Wag na kayong pumasok bukas. Tanggal na kayo,” sabi sa kanila ng supervisor. Agad silang nagtanong kung ano ang dahilan ngunit hindi sila sinagot ng dalawa. Hindi rin sila binayaran ng ‘separation pay’. Nagpasya silang siyam na magpunta sa Department of Labor and Employment (DOLE) para tuluyan na ngang maghain ng reklamo. Nag-file sila ng ‘Illegal Dismissal’ noong Pebrero 18, 2008. Ang DOLE iginawa sila ng reklamo at inendorso sa National Labor Relations Commission (NLRC). Unang dininig ang tungkol sa hinihingi nilang claims. Si Atty. Eleazar Pentiño

 ang kanilang naging abogado. Taong 2011…bawat isa sa kanilang siyam ay binigyan ng isang butas sa Columbary bilang kabayaran. “Buhay pa kami pero may pwesto na sa columbary,” nangingi-ting kwento ni John. Ika-17 ng Nobyembre 2009 lumabas naman ang desisyon mula sa NLRC sa isinampa nilang kaso.

Pabor ito sa kanila. Nagbigay ng kwenta ang NLRC kung magkano ang dapat bayaran ng Divine Mercy dahil sa hindi pagbibigay ng mga benepisyo, ‘holiday pay’ at hindi paghuhulog sa Social Security System (SSS). Nai-assign sa kanila si Sheriff Richard Condeno na aasikaso sa pagkuha sa dapat matanggap na pera. Halagang 62,400PHP ang matatanggap ni John para sa ‘backwages’ at ‘separation pay’. “Hanggang ngayon wala pa ka-ming natatanggap kahit piso. Maglilimang taon na. Hindi naman inaasikaso ni Sheriff Condeno,” ayon kay John.

Itinampok namin sa aming programang “CALVENTO FILES” sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ882 khz (Lunes-Biyernes 3:00pm-4:00pm at Sabado 11:00am-12pm) ang kwentong ito ni John.

Tinawagan namin si Atty. Pentiño upang linawin ang kasong ito.

“Okay na ang kasong yan. May ‘writ execution’ na. Binigyan na sila ng kwenta kung magkano ang dapat nilang makuha dahil sa pagkakatanggal ng walang sapat na basehan. Nasa sheriff na ang bola para magpatupad,” sabi ni Atty. Pentiño

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, kung minsan mahirap ding tutulog tulog ka sa pansitan dapat alam mo ang iyong mga karapatan. Kung hahayaan mong lamangan ka ng iba hindi ka talaga aasenso. Sa kaso nitong si John kailangan sigurong magsimula ng kumilos-kilos itong naatasang Sheriff sa kanila. Sobrang haba na ang halos limang taong pag-aantay ng mga nagreklamo. Marahil ay sapat ng panahon yun para sa paghahanda mong pumunta sa Divine Mercy Shrine para ipaalala ang iniutos ng NLRC. Mismong ang NLRC na ang nagsabi na kailangan nilang bayaran ang kampo ni John para sa hindi pagbibigay ng separation pay ng tanggalin sila ng walang dahilan. Kung ayaw nilang magbayad ng pera hatakin mo ang anumang ‘office equipment’ na meron sila na tutumbas sa perang dapat nilang bayaran o baka naman ikaw na ang nahatak sa panig ng Divine Mercy Shrine? Nagtatanong lang Sheriff.

(Kinalap ni Chen Sarigumba)

Sa gustong dumulog sa aming tanggapan, ang aming mga numero, 09213784392 (Pauline) 09198972854 (Monique) o 09213263166 (Chen). Ang landline 6387285 at ang 24/7 hotline 7104038 o magpunta sa 5th floor CityState Center bldg., Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Biyernes.

ALKHARJ JOHN BACOTOC

ARCHITECT MELCHORA

DIVINE MERCY SHRINE

JOHN

PARA

PEBRERO

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with