^

Punto Mo

Patron Saint sa makabagong panahon (Last Part)

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Saint Caedwalla, Patron Saint of Serial Killers

MANILA, Philippines - Ang tinutukoy dito ay mga killers na nagsisi at nagsisikap baguhin ang kanyang buhay. Big time serial killer si Saint Caedwella dahil mga hari at reyna sa Europe ang kanyang tinatarget upang maagaw niya ang trono. Pero dumating ang pagkakataong nakonsensiya siya, nagsisi ay namuhay nang maayos. Sampung araw makaraang siya ay nagbalik-loob  sa Katolisismo, siya ay binawian ng buhay. April 20 ang kanyang feast day.

Saint Monica, Patron Saint of Alcoholics

Hindi siya kailanman naging lasengga, ang mister niyang hindi sumasamba sa Diyos ang alcoholic. Ang masama nito, nananakit ang kanyang asawa kaya siya ay patron saint din ng battered housewives. Anak niya si Saint Augustine na isa rin anak na pasaway at mahilig sumabit sa gulo. Walang sawang nagdasal si Saint Monica para sa pagbabago ng kanyang asawa at anak. Bukod dito ay isa-isa niyang nilalapitan ang mga kakilalang pari upang tulungan siya magdasal para sa anak at asawa. Isang araw ay pumayag na magpa-convert sa Katolisismo ang kanyang mag-ama. August 27 ang kanyang feast day.

Saint Nicholas, Patron Saint of Pawnbrokers

Bukod sa pagiging Santa Claus, ginawa rin siyang patron saint ng pawnbroker. Habang dumadaan sa isang barungbarong si Saint Nicholas ay narinig niyang isasanla ng isang ama ang tatlo niyang anak na dalaga sa prostitution den upang magkapera. Palihim na naghagis ng isang bag na ginto si Saint Nicholas sa loob ng bahay ng mag-aama upang hindi na ituloy ang masamang balak.

 

BUKOD

KANYANG

KATOLISISMO

PATRON SAINT OF ALCOHOLICS

PATRON SAINT OF PAWNBROKERS

PATRON SAINT OF SERIAL KILLERS

SAINT

SAINT AUGUSTINE

SAINT MONICA

SAINT NICHOLAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with