^

Punto Mo

Kalunus-lunos na pag-execute sa isang elepante

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

KUNG ngayong panahon nangyari ang pagpatay sa elepanteng   si Mary, maraming tao ang tututol at hindi papayagang ito ay i-execute. Pinuprotektahan kasi ngayon ang hayop at may mga batas para sila ay mapangalagaan. Walang ganito noong unang panahon.

Noong September 12, 1916, napatay ng elepanteng si Mary ang kanyang handler na si Red Eldridge. Nangyari ang trahedya habang nasa kainitan ng isang circus sa Kingsport, Tennessee. Maraming tao ang nanonood sa circus.

Madugo ang pagkakapatay ni Mary kay Eldridge. Niyapakan niya ito hanggang sa madurog ang katawan ni Elridge. Shock ang mga manonood. Ayon sa mga nakasaksi, hawak ni Eldridge ang isang stick at hinahampas-hampas ang elepante upang kunin ang atensiyon. Subalit nagalit ang elepanteng si Mary at sinalakay ang handler. Nadapa umano si Eldridge at tinapakan ni Mary.

Maraming nagalit sa elepante dahil sa ginawang pagpatay. Halos buong Kingsport ay nagpahayag na dapat ay mamatay din si Mary. Kinabukasan, September 13, sa harap ng 2,500 tao (karamihan ay bata) pinanood nila ang pag-execute kay Mary.

Tinalian ng kadena sa leeg si Mary at ini-hang gamit ang crane. Subalit biglang nalagot ang kadena at bumagsak si Mary. Nabali ang balakang ng elepante.

Tinaliang muli nang mas malaking kadena si Mary at ini-hang ng crane. Kalahating oras na nakabitin si Mary sa ere at pinanonood ng mga bata. Nang inaakalang patay na, inihulog ang elepante sa malaki at malalim na hukay.

AYON

ELDRIDGE

ELRIDGE

KALAHATING

KINGSPORT

MARAMING

MARY

NOONG SEPTEMBER

RED ELDRIDGE

SUBALIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with