^

Punto Mo

Karahasan sa halalan, bantayan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Habang papalapit ang halalan, kasabay  ng matinding init ng panahon na nararanasan ang mainit na mga pangyayari sa pulitika sa bansa.

Tumitindi ang mga pagpapapalitan ng mga siraan ng mga kandidato, gayundin ang  mga nagaganap na karahasan na masasabing ang ugat ay ang matinding labanan sa pulitika.

Pinakahuling naitalang pangyayari ay kamakalawa ng gabi kung saan napatay ang driver at bodyguard ni Gingoog City Mayor Ruth Guingona makaraang ambusin sa Brgy. Binakala sa Gingoog, Misamis Oriental.

Bagamat sa paunang report mga miyembro ng rebeldeng NPA umano ang responsable sa naturang insidente, hindi pa rin inaalis ang posibilidad na  baka may kinalaman sa pulitika ang insidente. Patay ang magkapatid na driver at  bodyguard ng Mayor, habang sugatan naman si Mayor Guingona.

Sa inisyal na imbestigasyon, nangyari ang insidente ganap na alas- 10 ng gabi habang sakay ang mga biktima ng isang pickup Hilux at tinatahak ang nasabing lugar papauwi ng kanyang bahay.

Galing umano sa coronation night sa barangay fiesta sa Alagataan sa Gingoog ang grupo ng alkalde nang pagsapit sa nasabing lugar ay paputukan ang kanilang convoy ng mga armadong kalalakihan. Naka-posisyon na umano ang mga suspek sa Barangay Binakalan nang pagbabarilin ang mga sasakyan.

Noon din nakalipas na linggo hindi nga bat pinasabugan din ang bahay ng isang politiko sa Mindanao, kamakailan lamang isang supporter  politiko sa Taguig ang iniulat na itinumba , na ayon sa mga kaanak ng biktima ay may malaking kinalaman sa pulitika.

Ilang araw na lamang ay sasapit na ang halalan,  matin­di at mainit na ang mga pagbabatuhan ng akusasyon at siraan ng maraming mga kan­didato sa kanilang mga katunggali, hindi bale kung salitaan na lamang ang mangyayari, ang nakakatakot dito ay ang pagdanak pa ng dugo.

Ganito na nga yata ang takbo ng pulitika sa bansa, madalas nagiging marahas at ang masakit pa rito may ilan na nadadamay na lamang.

Kung sabagay kahit sigu­ro matapos na ang halalan, patuloy pa rin ang mainit na takbo ng pulitika, siyempre pa hindi pa dyan matatapos, walang katapusang protesta naman ang siguradong ihahain ng mga talunang kandidato.

vuukle comment

ALAGATAAN

BAGAMAT

BARANGAY BINAKALAN

GINGOOG

GINGOOG CITY MAYOR RUTH GUINGONA

MAYOR GUINGONA

MISAMIS ORIENTAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with