^

Punto Mo

EDITORYAL- Kailan magkakaroon ng reporma sa BJMP?

Pang-masa

NOONG nakaraang taon, sunud-sunod ang mga nangyaring jailbreak sa maraming bilangguan o jail sa bansa. Iba’t iba ang pamamaraan: Nilalagari ang rehas, inaagawan ng baril ang jailguard, may mga bilanggong inaagaw mula sa kanilang escort at marami pang iba. At sa kabila ng mga nangyayaring ito, tila wala namang ginagawang pagbabago o reporma ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) para hindi matakasan ng mga bilanggo. Sa nangyayaring madalas na pagtakas ng mga bilanggo, hindi nakapagtataka na maubos ang laman ng jail. Ang mga bilanggong may kasong rape, murder, robbery ay kahalubilo ng mamamayan at gagawa pa nang mga kabuktutan.

Katulad na lamang ng ginawang pagtakas ng 13 bilanggo sa Sagay Municipal Jail sa Negros Occidental noong nakaraang Martes. Tinutukan umano ng baril at patalim ang mga jailguard habang nagsasagawa ng headcount dakong hapon. Hindi na nakapalag ang mga guwardiya na tila ba nasorpresa sa pangyayari. Pagkaraang tutukan, isang bilanggo umano ang bumaril sa padlocked ng jail at mabilis pa sa alas-kuwatrong nagsitakas ang mga bilanggo. Iglap lang ay naglahong bula ang mga bilanggo na karamihan ay may mga mabibigat na kaso tulad ng panggagahasa, pagpatay at pagtutulak ng bawal na droga. Naiwang nakatulala ang mga nasorpresang jailguard. Hanggang sa ngayon, hindi pa nahuhuli ang mga tumakas.

Anong klaseng jail at jailguard meron sa bansang ito? May mga jail na madaling wasakin o lagariin ang rehas sapagkat kasinglaki ng daliri ang bakal. May mga jail na mababa ang pader kaya madaling makasampa ang mga bilanggo. Ang mga jailguard ay walang kakayahan at sapat na training para hindi matakasan ng mga bilanggo. Saan naman nakakita ng mga jailguard na tinutukan ng patalim ng bilanggo? Paano naipasok ang patalim at baril. Hindi kapani-paniwala pero totoo. Onli in da Pilipins lamang nangyayari ito. Bilibid or not.

Magkaroon ng reporma sa BJMP. Isaayos ang sistema. Nagpapakahirap ang mga awtoridad (PNP, NBI at iba pang enforcement agencies) sa pagdakip sa mga criminal pero patatakasin lamang ng mga eengot-engot na jailguard. Imulat sana ng mga namumuno sa BJMP ang kanilang mga mata.

ANONG

BILANGGO

BILIBID

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

HANGGANG

JAIL

JAILGUARD

NEGROS OCCIDENTAL

SAGAY MUNICIPAL JAIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with