^

Punto Mo

Truck na puno ng strawberries hinayjack ng teenager, dahil hinahabol daw siya ng zombies

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAKATANGGAP ng tawag ang Californian Highway Patrol na isang truck na puno ng strawberries ang hinayjack ng isang teenager. Agad na nagresponde ang CHP at tinugis ang truck na may kargang strawberries.

Nang maramdaman ng teenager na tinutugis siya ng CHP, binilisan ang pagpapatakbo. Pero dahil nataranta sa mga pulis na humahabol, naibangga ng teenager ang truck sa isang Toyota car. Pero kahit nabangga, tinuloy pa rin ang pagpapatakbo sa truck. Ibinangga uli sa isa pang Toyota vehicle pero minaneho pa rin at bumangga naman sa isang bagumbagong Chedeng.

Grabeng naipit sa trapik ang truck kaya hindi na makalayo. Ipinasya ng teenager na bumaba sa truck at umakyat sa isang van. Pero naitulak siya ng driver. Natumba ang teenager at dinaluhong na siya ng driver ng van. Sa aktong iyon dumating ang mga pulis at inaesto ang teenager. 

Nang imbestigahan, sinabi ng teenager na hinayjack niya ang truck ng strawberries dahil hinahabol siya ng zombies. Kailangan daw niyang makalayo.

Pero duda ang mga pulis. Hinala nila, nasa impluwensiya ng droga ang teenager.

Isa pa, walang napapabalita na gumagalang zombies sa lugar.

vuukle comment

CALIFORNIAN HIGHWAY PATROL

CHEDENG

GRABENG

HINALA

IBINANGGA

IPINASYA

NANG

PERO

TEENAGER

TRUCK

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with