^

Punto Mo

Lampong (266)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NATIGILAN si Tanggol sa sinabi ni Jinky. Magpapasama raw ito sa sapa bukas.

“Okey lang ba na magpasama sa’yo sa sapa, Tanggol? Pero kung hindi ka naman pupuwede,  okey lang.’’

“Puwede po ako Mam. Sige po, anong oras po ba?”

“Mga alas otso ng umaga. Mayroon kasi akong binabalak sa sapa. Maaaring makatulong sa mga itik. Kapag nakita mo ang sapa na sinasabi ko ay mapapahanga ka, Tanggol.’’

“Bakit po Mam Jinky?” Nagkukunwa­ring tanong ni Tanggol kahit alam na niya ang sapang iyon. Doon naligo si Jinky. Hubu’t hubad ito.

“Napakalinaw ng sapa, Tanggol. Halatang hindi polluted. Gusto ko mapa­lagyan ng sanga o kanal ang sapa at padadaluyin ko rito sa mga pilapil para malinis ang mapaglunuyan ng mga itik.’’

“Aba maganda pong ideya yan, Mam. Pero hindi po kaya gagastos nang malaki sa pagpapagawa ng kanal?”

“Medyo. Pero balak pa lang naman ang sa akin. Hindi pa pinal ang balak Tanggol.”

Napatangu-tango si Tanggol.

“Sige Tanggol bukas ay dadaanan kita rito bago mag-alas otso. Sigurado ka bang walang gagawin?”

“Wala po.’’

“Sige Tanggol. Sa­lamat.’’

Umalis na si Jinky.

Nang dumating si Mulong ay sinabi ni Tanggol dito ang pagpapasama ni Mam Jinky sa sapa.

“Kinakabahan ako Mulong, baka mabuking ako.’’

“Hindi. Maganda nga at magkakasarilinan kayo Tanggol.’’

“Baka tanungin ako nang tanungin at madulas ako.’’

“Relaks ka lang Tanggol.­’’

KINABUKASAN, mga 10 minuto bago mag-alas-otso ay dumating si Jinky. Nakahanda na si Tanggol.

Umalis sila. Naglakad na patungo sa sapa.

Hanggang sapitin nila ang malinaw na sapa.

“O nakikita  mo Tanggol, di ba ang linaw ng sapa.”

“Opo Mam. Napakalinaw nga.’’

“Alam mo diyan ako naliligo. Ang sarap sa katawan ng tubig.’’

“Masarap lumangoy Mam?”

“Oo.”

“Malalim po.’’

“Hindi naman. Ikaw, marunong kang luma­ngoy, Tanggol.”

Tumango si Tanggol.

(Itutuloy)

 

JINKY

MAM JINKY

MULONG

NAPAKALINAW

OPO MAM

PERO

SAPA

SIGE TANGGOL

TANGGOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with