Sec. Roxas at Gen. Purisimapinaglalaruan ni Sr. Supt. Albano
SINIBAK sa puwesto si Supt. Crisostomo Mendoza bilang hepe ng Station 4 sa Novaliches ng Quezon City Police District dahil sa “one strike†policy ng Philippine National Police (PNP) sa jueteng. Subalit makalipas ang ilang araw, si Mendoza ay itinalagang hepe ng Station 5 ng QCPD sa Lagro. Mukhang pinaglalaruan ni QCPD director Sr. Supt. Richard Albano ang kampanya nina DILG Sec. Mar Roxas at PNP chief Dir. Gen. Alan Purisima sa illegal gambling? Kung titingnan, ang Novaliches at Lagro ay parehas lang na may “lamanâ€. ‘Ika nga ay hitik sila ng pasugalan. Kaya imbis na parusahan, itong si Mendoza ay nagmukha pang napremyu-han, ayon sa mga kausap ko sa Camp Crame.
Sinabi pa ng kausap ko na ang powerful religious sect na Iglesia ni Cristo ang pumapel kay Albano para makapuwestong muli si Mendoza. Paano matatanggihan ni Albano ang INC na nagpadrino rin sa kanya para maging QCPD director siya, anang kausap ko. Get’s nyo mga kosa?
Itong pag-premyo ng INC...este ni Albano kay Mendoza ay naging dilemma para sa mga ahente ng CIDG at Intelligence Group na puspusang nagkakampanya laban sa illegal gambling. Paano kung kopyahin ang style na ito ng halos 92 police officers na nais ipa-relieve ni Purisima dahil sa “one strike†policy niya sa jueteng? Magmumukha kasing tanga ang mga CIDG at IG operatives kapag nasundan pa ang estilo na ito ni Mendoza, di ba mga kosa? Kaya ang kailangan sa ngayon ng CIDG at IG agents ay pondo na manggagaling kay Roxas at pati na din ang suporta niya dahil nasa ilalim ng liderato niya ang mga local government units o LGUs at PNP. Baka naman, hindi pa arok ni Roxas ang problemang ito ng CIDG at IG? Kung sabagay, sa Amerika halos lumaki at nagtapos ng pag-aaral si Roxas at mukhang hindi niya alam ang kalakaran sa kalye kung jueteng at iba pang sugal ang pag-uusapan.
Open-secret naman kasi na hindi magiging matagumpay ang kampanya laban sa illegal gambling dahil may police officers at politicians na sangkot dito. May ilan pa nga sa kanila na nagsisilbing financiers o operators ng jueteng. Hindi lang ‘yan. Itong gray area ng ating criminal justice system ay ginagamit ding palusot ng mga gambling lords para linlangin ang PNP.
Higit pa riyan, ang gambling lords sa bansa ay magagaling sa numero at palaging isang hakbang na nauna sa mga programa ng gobyerno tulad ng Small Town Lottery (STL) ng Philippine Charity Sweepstakes Office.
Sa katunayan, ginagamit ng gambling lords na legal cover itong STL para sa bookies operation nila na halos parehas sa takbo ng jueteng.
Kung nais ni Roxas na mag-iwan ng legacy sa PNP sa kanyang termino, dapat paigtingin niya ang kampaya sa jueteng. Sibakin ni Roxas ang lahat ng police officials na in cahoots ng gambling lords, lalo na ang mga tong collectors na karamihan ay pulis din, para mawalan ng “pointer†o taga-tip ang gambling lords ng mga hakbangin ng CIDG at IG. Pero una sa lahat, sibakin ni Roxas si Mendoza sa Lagro para patunayan na seryoso siya sa illegal gambling campaign n’ya! May karugtong!
- Latest