^

Punto Mo

Lampong (258)

Pang-masa

“MATAGAL pa ba si Tanggol sa banyo, Mulong?’’ tanong ni Jinky.

‘‘Kapapasok lang po niya nang dumating ka Mam Jinky.’’

“Ganoon ba? Nasira ba ang tiyan niya kaya nasa banyo?’’

“A e opo, Mam Jinky. Na­pasobra po yata ang kain ng itlog ng itik. Kasi’y nasarapan po sa nilagang itlog. Naka-limang itlog po yata.’’

Nagtawa si Jinky.

‘‘Grabe palang kuma­in ng itlog yang kasama mong si Tanggol, Mulong. Limang itlog nakaya niyang ubusin.’’

‘‘Opo. Kayang-kaya po. Kaya nga siguro nagpururot si Tanggol.’’

‘‘Palagay ko mahina ang katawan ng kasama mong si Tanggol, ano Mulong ?’’

‘‘Bakit po?’’

‘‘E paano’y kumain lang ng itlog ay surender na, ha-ha-ha!’’

Nakitawa si Mulong. Nag­ tawa rin siya para hindi mahalata ni Jinky.

Nang biglang mag-ring ang cell phone ni Jinky. Sinagot nito.

“Hello, sino ito?

Sumagot ang nasa kabila.

“Si Tina po.’’

‘‘Ah ikaw pala Tina. Ano at tumawag ka, Tina? Narito ako sa kubo nina Mulong. Hindi ko pa nakikita ang isang guwardiya na ang pangalan ay Tanggol. Nasa banyo raw at nagpupururot yata.’’

“Ganun po ba. Tuma­wag po ako dahil nalimutan mo po ang bag na gagamitin sa grocery. Bawal na po ang plastic’’

“Ay oo nga ano. Teka at babalik ako, Tina.”

“Sige po.’’

Nang mga oras na iyon ay nakasilip si Tanggol sa butas ng dingding at naki­kita niya ang ginagawa ni Jinky. Nakikipag-usap pa si Jinky kay Tina. Nagtataka si Tanggol kung sino ang kausap ni Jinky. (Itutuloy)

 

vuukle comment

ANO

BAKIT

JINKY

MAM JINKY

MULONG

NANG

SI TINA

TANGGOL

TINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with