^

Punto Mo

Lampong (253)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

KINABUKASAN, maagang nagtungo sina Dick (Tanggol) at Mulong sa itikan ni Jinky. Bitbit nila ang mga bag ng damit.

Habang naglalakad patungo sa itikan ay nag-uusap ang dalawa.

“Hindi kaya ako mahalata ni Jinky, Mulong? Malakas ang kutob niyon. Baka maghinala kapag nakita ako.”

“Palagay ko hindi ka niya makikilala. Ako nga noong una kitang makita e hindi kita agad nakilala.’’

“Siguro huwag lang akong tititigan ano?”

“Kung magpatubo ka kaya ng bigote at balbas, Tanggol?’’

“Puwede, Mulong! Mula ngayon hindi na ako mag-aahit.”

Maya-maya natanaw nila ang isang babae --- si Tina. Kinakawayan sila.

“Ayun si Tina, Tanggol.”

Lumapit sila kay Tina. Mangha nang makita si Tanggol.

“Bagay pala sa’yo mahabang  buhok, Sir Dick este…Tanggol pala.’’

“Hindi ba halata na ako si Dick, Tina?”

“Hindi po. Pero siguro mas babagay sa iyo ang long hair kung magpapa­tubo ka ng bigote at balbas.’’

“Aba pareho kayo ng suggestion ni Mulong.’’

Nagtawa si Tina.

“Halina kayo at da­dalhin ko kayo sa inyong tirahan.”

Lumakad na sila. Mga ilang metro lang ang layo mula sa mga kinakukulungan ng itik ay nakita nila ang isang bagong gawang kubo.

“Yan ang bahay n’yo mula ngayon.”

“Ang ganda, Tina,” sabi ni Tanggol.

“Oo nga,” sabi ni Mulong­.

“Kumpleto lahat diyan­. Maari kayong mag­luto. Maraming pagkain sa ref.”

“May ref pa ha?”

“Lahat nang kailangan n’yo nandiyan.”

“Salamat Tina.”

“Baka bukas ay bi­sitahin kayo ni Mam Jinky dito.”

Kinabahan si Tanggol.

(Itutuloy)

 

AYUN

BAGAY

JINKY

MAM JINKY

MULONG

SALAMAT TINA

SIR DICK

TANGGOL

TINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with