^

Punto Mo

Pinoy magtatayo ng bahay sa planetang Mars

PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

Kasama na rin pala ang mga Pili­pino sa pinaplanong pagtatayo ng mga bahay sa  planetang Mars.

Ayon umano kay Custer Deocaris, puno ng Office of Space Innovation     and Cooperation ng Rizal Technologi-cal University na nakabase sa Mandaluyong City, merong mga Pilipinong astronomer, arkitekto, inhinyero, at estudyante na makakasama sa pagdidisenyo, pagpaplano at pagtataguyod ng Mars Homestead Project.

Ipinaliwanag ni Deocaris na layunin ng naturang proyekto na itayo ang unang permanenteng settlement o tirahan ng tao sa labas ng Daigdig partikular sa planetang Mars sa taong 2030.

Nakakatuwa naman ang ganitong bagong kaganapan. Hindi rin tayo napapag-iwanan kahit paano sa mga kaganapan sa space explo-ration ng mauunlad na bansa.  Sana nga rin ay sumulong iyong isang kilusan ng mga astronomer at scientist na Pilipino para himukin ang pamahalaan na magtayo ng sariling space agency ang Pilipinas. Me-ron nga sa kasalukuyang isang kilusang itinataguyod ng pribadong sek-tor para makapagpadala ng unang astronaut na Pilipino sa kalawakan. Makakasama siya ng may 21 astronaut na nagmula sa iba’t-ibang bansa at  pinipili para maglakbay sa labas ng Daigdig.

 Sana nga ay merong sariling space program ang ating bansa para hindi lang tayo nakikisakay lang sa programa rito ng ibang mas mauunlad na bansang tulad ng Amerika. Pero, dahil na rin siguro kaalyado ng Estados Unidos ang Pilipinas, hindi katakatakang mapasama tayo sa anumang plano nito pagdating sa space program. Hindi ba’t marami ring Pilipino ang nagtatrabaho sa space agency ng U.S.? Gayunman, kailangan ding may sariling space program ang Pilipinas lalo pa at, habang tumatagal, lumalawak ang isinasagawang pagsusuri at maraming natutuklasang mga bagay sa planetang Mars kaya tinututukan na rin itong mapuntahan ng mga bansang may sariling space program.

(Anumang reaksyon sa kolum na ito ay maipaparating sa e-mail address na [email protected])

CUSTER DEOCARIS

DAIGDIG

ESTADOS UNIDOS

MANDALUYONG CITY

MARS HOMESTEAD PROJECT

PILIPINAS

PILIPINO

SPACE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with