^

Punto Mo

‘Sige pa… Kodakan pa!’

- Tony Calvento - Pang-masa

HINDI pa huli ang lahat… pwede pa rin mapabilang ang inyong larawan sa 12 grand winners-entry na gagamitin para sa kalendaryo ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa 2014 at maging parte ng official photo gallery ng Department of Tourism. Maari din kayong mag-uwi ng Php75,000 at tropeyo! Patuloy pa rin ang paghahanap ng PAGCOR sa mga taong may angking galing sa pagkuha ng larawan (photography). Ito ay para sa 1st National Photo­graphy Competition ng PAGCOR ngayong taong 2013.  Ang mga kategorya ng paligsahang ito: Kategoryang Tao, Customs & Traditions, Kalikasan, Structure & Landmark. Ang mga ka­lahok ay dapat magrehistro online sa website ng PAGCOR, www.pagcor.ph. Ang huling araw ng pagsusumite ng mga entry ay sa Mayo 20, 2013 sa ganap na 11:59PM.  Ang ‘submission portal’ ay awtomatikong magsasara at tatanggihan ang lahat ng iba pang mga entry na isusumite pagkatapos ng ‘deadline’. Isang larawan lamang ang dapat isumite sa bawat kategorya. Bukas sa lahat ng ‘nationalities’ na naninirahan sa Pilipinas ang paligsahan. Pipili ang PAGCOR ng 48 grand finalist sa buong bansa na ilalabas sa isang exhibit sa Airport Casino Filipino mula Hulyo 5-11, 2013. Ang final judging ay sa Hulyo 5, 2013. Ang pormal na anunsyo ng mga nagwagi sa ika-12 ng Hulyo.

* * *

‘Hagod Pinoy’

HAGOD sa likod, akbay sa balikat…bulong ng pag-asang nagsasabing, “ ‘Di ka nag-iisa…” Ganito kung humaplos ang Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) sa mga kababayan nating may karamdamang walang kakayahang magpagamot. Katuwang ng PCSO sa pagtulong ang programang “PUSONG PINOY”, ineere sa DWIZ 882 KHZ tuwing Sabado mula 7:00-8:00 ng umaga. Hosted by Atty. Jose Ferdinand Rojas II o “Atty. Joy”, ang general manager ng PCSO at Monique Cristobal. Sa loob ng dalawang taong pagseserbisyo publiko ng programang “PUSONG PINOY”, isa sa palagiang lumalapit sa tanggapan ng PCSO ang mga inang humihingi ng tulong-medikal para sa kanilang mga anak. Kadalasan, sakit sa dugo (Leukemia). Sa edad na 2-taon pataas dinapuan na ng ganitong uri ng cancer sa dugo ang kanilang mga anak. Hindi madaling gamutin ang leukemia, kinakailangan sumailalim sa ilang cycles ng chemotherapy ang isang pasyente para mapatay ang mga cancer cells sa dugo o ‘bone marrow’ na sanhi ng abnormal na pagdami ng puting dugong nakaka-epekto naman sa immune system ng isang tao. Isa ang PCSO sa tumutulong sa mga pasyenteng ito sa paniniwalang patuloy ang kanilang paggaling. Kabaligtaran ng sakit na Leukemia, ang Beta-Thalassemia, isang namamanang sakit. Uri ng problema sa dugo kung saan hindi tama ang  bilang ng red blood cells sa katawan.“Kung sa leukemia ang mga pasyente kulang sa iron, ang mga may beta-thalassemia naman sobra…” sabi ng inang si Natalia.

Si Natalia Nuestro ng Alfonso, Cavite ay isa sa mga inang lumapit sa amin para ihingi ng tulong ang anak na may Beta-Thalassemia. Buwan ng Disyembre taong 1998 pa na-diagnose na may ganitong uri ng sakit ang anak na si Neli Anne 14-na taong gulang. Isinugod sa ospital si Neli matapos mapansin ang paninilaw ng kanyang balat. Mula 1998, tatlong beses sa isang linggong sinasalinan ng dugo itong si Neli. Sumasailalim din siya sa mga laboratory examination (blood tests) para malaman ang kondisyon ng kanyang dugo. Si Hannah Jade, 12-anyos ay nakitaan din ng mga palatandaan ng sakit na Beta-Thalassemia nung taong 2001. Mula nang ma-‘diagnose’ si Hannah, sinasali­nan siya ng tatlong bag ng dugo kada ikatlong linggo ng buwan. Palagian din siyang sumasailalim sa Complete Blood Count (CBC), Two-Dimensional Echocardiogram (2D Echo), Serum Glutamic Pyruvate Transaminase Test (SGPT) at iba pang laboratoryo gaya ng cross-matching para sa pagsasalin ng dugo at  pagsukat ng dami ng iron sa kanyang katawan o Serrum Ferritin Test. Inilapit ng ina ni Hannah na si Jacqueline Parica, mula sa Nueva Ecija ang pangangailangang medikal na ito sa “PUSONG PINOY” para sa lubusan nitong paggaling. “Napakalaking gastusin sa ospital ang kinakailangan ng batang may Beta-Thalassemia… Sana patuloy kaming matulungan ng PCSO,” panawagan ni Jacqueline. Hindi naman pangkaraniwan ang pinagdadaanan ng tubong- San Nicolas, Pangasinan na si Aniceta Luzano. Dalawa sa anak niya ang tinamaan ng sakit na Beta-Thalassemia. Ang 16-taong gulang na si “Angelica” at katorse anyos na anak na si “Brian”. Unang na-diagnose sa nasabing karamdaman si Angelica. Matapos makitaan ng parehong sintomas si Brian na paninilaw, ipinasuri rin siya sa doktor at nalamang may parehong karamdaman ang bata. Naipaliwanag ng espesyalistang nilapitan nila Aniceta na marahil namana ng kanyang mga anak ang kanilang sakit. “Ang sabi ng doctor, karaniwang mga may lahing albino o anak-araw kung tawagin ang dinadapuan ng ganitong uri ng sakit… may lahi kami,” ayon kay Aniceta.

Ilan lamang sina Aniceta, Natalia at Jacqueline sa mga inang patuloy na nagtitiwala sa PCSO sa programang “PUSONG PINOY”. Ramdam namin ang hirap ng mga inang kagaya nila na makita ang mga anak na may karamdaman. Ang PCSO at programang “PUSONG PINOY” ay patuloy na iniaabot ang kanilang kamay sa pagtulong sa mga kababayan nating may parehong kondisyon.          

“Kami rito sa PCSO ay natu­tuwa dahil maski papaano na­­i­ibsan namin ang inyong prob­lema… walang sawa ka­ming tutulong dito sa “PUSONG PINOY” ’wag kayong mawawalan ng pag-asa,” wika ni Atty. Joy.

PAALALA SA PUBLIKO: Walang bentahan ng ‘tickets’ ng ‘lotto’ at walang gaganaping ‘draws’ mula Marso 28 (Maundy Thursday) hanggang March 31, 2013 (Easter Sunday) para sa paggunita ng Semana Santa. Magbabalik ang bentahan ng tickets at draws sa ika-1 ng Abril 2013 (Lunes). Para sa taga-tangkilik ng PCSO Traditional Sweepstakes, magkakaroon ng tinatawag na ‘Mayflower Festival Draw’ na may premyong P1.5 million (first prize) at minor and consolation prizes. Gaganapin ito sa May 12, 2013. Maaring bumili ng tickets sa PCSO Main Office sa PICC Secretariat Bldg. (across Sofitel), Cultural Center of the Philippines, Roxas Blvd., Pasay City at PCSO branches nationwide. “We thank you all, the public, for your trust and confidence in the PCSO games and we count on your continued support of our efforts to raise funds for charity.” pasasa­lamat ni Atty. Joy Rojas—PCSO Ge­neral Manager.  (KINA­LAP NI MONIQUE CRISTOBAL). Ang aming­ numero 0921-3263166(Chen) /09198972854 (Monique)/ 09213784392 (Pauline). Landline 6387285 at 24/7 hotline 7104038.Address: 5th floor City State Centre­  Bldg.  Shaw Blvd., Pasig City.

ANAK

ANICETA

BETA-THALASSEMIA

DUGO

PARA

PCSO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with