^

Punto Mo

Duwende (7)

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ANG sabi ng beki, mainam daw na maging friend ang mga white dwarf sa aming bahay. Tumutulong ang mga ito na ma­ging mabunga ang tanim sa bukid. Naisip ko ang tanim naming lansones. Lately, mga “tamad” nang mamunga ang mga lansones dahil matatanda na ang mga puno. Pero bago ako humingi ng tulong, kailangan ko muna silang maging friend. Susuyuin ko muna sila as in mag-o-offer muna ako ng pagkain sa kanila.

Kailangang gawin ang pag-o-offer kung kabilugan ng buwan ayon sa beki. Ang liwanag mula sa buwan ang umiilaw sa mga duwende upang makatawid sila sa ating mundo. Symbolically, para palang may manipis na kurtina na humahati sa mundo ng mga duwende at sa mundo ng mga tao. Kaya sinasabi natin na nasa kabilang dimensiyon ang mga elemental (lamang-lupa)  kagaya ng mga duwende.

Matatamis na pagkaing may masasayang kulay ang gusto nilang kainin. Halimbawa, ang haleyang ube, bagama’t matamis ay hindi nila kinakain dahil maitim ang kulay. Bigla kong naisip ang kuwento ni Cholo na kulay itim na parang kanin ang pagkaing iniaalok sa kanya noong napapunta siya sa daigdig ng mga duwende. Parang kumokontra ito sa sinasabi ng beki. Gumawa na lang ako ng sari­ling teorya: Nagsasawa na siguro ang mga duwende sa pagkaing maiitim ang kulay. He-he-he, may teorya pa akong nalalaman d’yan!

Pagsapit ng kabilugan ng buwan ay inihanda ko ang M&M chocolate. Tinanggal ko ito mula sa pagkakabalot at inilagay sa Tupperware na may takip. Naglagay ako ng silya sa ilalim ng puno ng langka. Ang isa raw sa maraming entrance  nila patungo sa ating daigdig, ayon sa beki,  ay malapit sa aming puno ng langka. Habang ipinapatong ko sa silya ang M&M chocolate, ay inimbitahan ko ang mga duwende na tikman nila ang chocolate bilang tanda ng pakikipagkaibigan ko sa kanila. Ano ang nangyari sa M&M kinabukasan ? Ikukuwento ko bukas. Pramis.

(Itutuloy)

 

ANO

BIGLA

DUWENDE

GUMAWA

HABANG

HALIMBAWA

IKUKUWENTO

ITUTULOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with