Bahay nawasak nang magulungan nang malaking bato
MAHIMBING na natutulog si Wanda Denhalter ng Southern Utah at nang magising siya, wasak na ang kanyang bahay. Ang kanyang kamang tinutulugan ay nasira at nang tingnan niya ang pader ng bahay, wasak na wasak iyon!
Isang higanteng bato (boulder) na nasa tuktok ng burol di-kalayuan sa bahay ni Wanda ang gumulong at nasapol ang bahay. Ang boulder ay may sukat na 12-by-9-foot o kasinglaki ng isang kotse.
Grabeng nasugatan si Wanda. Apat na oras siyang inoÂperahan sa St. Georges Hospital. Tumagos sa buto ang sugat niya sa braso. Sa kabila nang malubang pinsala, nagpapasaÂlamat si Wanda at ligtas siya.
- Latest