^

Punto Mo

Ang mga ‘Daisy’ at video karera ng Gutierrez couple

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

PABATI lang! Congratulations sa dance troupe ng Alimodian National Comprehensive High School (ANCHS) in Iloilo for winning the recent Western Visayas Regional Athletic Association (WVRAA) dance competition. Mabuhay po kayo!

* * *

Hindi lang pala pugad ng mga adik ang mga puwesto ng video karera machines ng mag-asawang Romy at Tina Gutierrez kundi maging ng prostitution. Sinabi ng mga kausap ko sa MPD na nagtipun-tipon ang mga tinedyer sa mga lugar kung saan nakalatag ang mga video karera ng Gutierrez couple para magpalipas ng oras. Karamihan sa mga tinedyer na babae ay mga tinatawag na “Daisy.” Ang mga lalaki kapag natatalo ay siyempre papasukin ang kriminalidad para merong silang pantaya. Ang mga “Daisy” naman ay lumilinya sa prostitution, anang mga kausap ko sa MPD. Ang ibig kong sabihin na “Daisy”, ay yung “Daisy-Sais,” Daisy-Siyete”, “Daisy-Otso” o “Daisy-Nuebe.” Get’s n’yo mga kosa? Karamihan sa mga kustomer ng mga “Daisy” ay Customs brokers, anila. Ang ganitong sistema ng prostitution ay matatagpuan sa mga puwesto ng Gutierrez couple sa BASECO, Isla Puting Bato, Parola Tondo at Parola Binondo.

Hinamon pa ako ng kausap ko na subukan itong “Daisy” sa halagang mula P2,000 hanggang P5,000. Kasado raw kaagad basta maiabot lang ang pera. Kaya pala malimit tumambay ang Customs brokers sa mga puwestuhan ng video karera ng Gutierrez couple ay dahil sa mga “Daisy.” Mag-ingat lang kayo mga kosa at baka ma-Jalosjos kayo.

Pero mautak din ang Gutierrez couple. Dahil ang mga makina nila ay nakasemento para hindi manakaw ng mga hao-shiao na pulis. At ang mother board ng makina at lalagyan ng pera ay todo-selyado. Kadalasan kasi, kapag natatalo na ang mga adik, puwersahan nilang binubuksan ang kaha para kumuha ng barya na pantaya. Madali lang naman makilala ang mga makina ng Gutierrez couple dahil armado ang mga ito ng stickers na “Gutierrez.” Hindi maasahan si MPD director Chief Supt. Alex Gutierrez na kumilos laban sa video karera ng mga kamag-anak niya dahil magreretiro na siya sa Abril. Baka mawalan pa siya ng pabaon pag nagkataon, di ba mga kosa?

Halos 10 araw na ang hamon ko kay Chief. Insp. Carlo Manuel, hepe ng CIDG Manila Field Office na salakayin din ang mga puwesto ng video karera ng Gutierrez couple subalit hanggang ngayon hindi pa niya kinakagat ito. Habang tumatahimik si Manuel laban sa makina ng Gutierrez couple, lumalakas naman ang ugong na patong ang opisina niya sa kalakaran nito. Pakiimbestigahan mo si PO2 Edmund de Jesus alyas Solomon CIDG chief Gen. Frank Uyami Sir at malalaman mo ang dahilan kung bakit tuloy pa rin ang operation ng video karera ng Gutierrez couple kahit nakalatag na ang “no take, no contact” policy mo. Dapat malipol na ang video karera machines ng Gutierrez couple para matuldukan ang problema ng droga at prostitution sa Maynila, di ba mga kosa? May karugtong!

vuukle comment

ALEX GUTIERREZ

ALIMODIAN NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL

CARLO MANUEL

CHIEF SUPT

COUPLE

DAISY

FRANK UYAMI SIR

GUTIERREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with