Bicol (2)
MATAPOS ang aming isang araw na city tour, sa wakas nakarating na kami sa Misibis Bay, Cagraray Island para sa aming tatlong araw na pamamalagi rito. Masuwerte kaming ang unang araw namin ay maaraw dahil ang mga sumunod ay naging maulan na. Noon ngang mismong araw ng kaarawan ni Gummy ay dapat na maglalayag kami sa paglubog ng araw kaso lang ay makulimlim.
Nagsimula ang araw namin sa isang buffet breakfast. NapakaÂsarap magluto ng mga Bicolano, bagamat halos lahat ay may sipang anghang, napakasasarap pa rin nila! Masasabi kong ang hot chocolate ng Misibis Bay ang pinakamasarap na hot chocolate na natikman ko buong buhay ko! Ngunit bukod sa pagkain, ang mismong staff nila ang nagpaganda at lalong nagpasarap sa aming stay doon. Napakamagalang at maintindihin ng mga staff sa Misibis. Asikasong-asikaso kami, lalo na si Gummy. Ang aming guide na si Kuya Karl ay paborito niyang kalaro. Nagtataguan at naggugulatan sila at pinangakuan pa si Gummy na dadalhan ng pusa sa araw ng kanyang birthday— kaso lang ay nagtago ang lahat ng mga pusa at hindi gumana ang mga patibong ni Kuya Karl. Maging sila Ala at Leon ay talagang binantayan din niya sa lahat ng kanilang beach activities — mula sa kayak, paddle boat at hobbie cat! Sayang nga lang ang zipline dahil umulan na talaga.
Natutuwa ako kay Karl dahil bakas sa kanyang maligaya siya sa kaniyang trabaho. Naniniwala kasi akong mahalaga ang job satisfction ng empleyado para magampanan niya at mahigitan pa ang kanyang tungkulin. Ipinagmamalaki niya ang maganda nilang tirahan ng mga staff, gayundin ang pa-family day ng admin ng Misibis sa mga panahong low season at walang masyadong mga bisita. Pinahihintulutan ang kanilang mga pamilyang bumisita sa resort at lumangoy sa mga pools at dagat nila. Mabait at hindi maramot ang mga may-ari, kung ganoon.
Sinuwerte kaming mataas ang araw noong umaga ng March 7, Miyerkules at taÂlagang pinlano ko ang mga activities sa araw na iyon na umikot sa mga gusto ni Gummy, dahil nga birthday niya — tulad ng pagsu-swimming at pangiÂngisda. Nag-snorkelling kami sa Marina at naku, kahit hindi pa dapat pwede si Gummy dahil hindi pa niya kayang magsuot ng goggles at snorkel at ilubog ang ulo ay lumangoy naman siya sa dagat ng naka-life vest siyempre. Aba napakatapang ng anak ko! At proud na proud naman ako! Doon ay nakakita kami ng angel fish, parrot fish at marami pang iba’t ibang uri ng school of fish. Pinakain namin ng tinapay ang mga ito para lumapit sa amin.
Naalala ko tuloy noong kabataan ko na may alaga kaming iba’t ibang uri ng mga isda, at pati na rin ng una akong sumubok mag-diving. Mas malalaking isda naman ang nakita ko noon dahil mas malalim kami sa dagat at talagang literal na kinakain nila ang tinapay mula sa mga kamay namin.
- Latest