^

Punto Mo

Ano ba ang misyon?

ANGHAM TAMIS - Adong Hagupit - Pang-masa

Hindi ko matiyak kung ano ang misyong

Sa aki’y tadhana nitong Panginoon?

Nang bata pa ako’y maraming ambisyon –

Maging abogado, engineer o doctor!

 

Habang nagtatagal sa mundong ibabaw

Maraming narating – iba’t ibang lugar

Dahil naging hilig magsulat na lamang

Talumpati’t tula sa album nahanay!

 

Pero kung nasunod ay ang aking ina

Ako ay magpari – baka Obispo na;

Pero nang makita ang mahal kong mutya

Kami ay nagtanan at nagpakasal pa!

 

May apat na anak ako ay nalibang

Kaya mga apo ang inalagaan;

Ngayo’y pitong apo ang hindi maiwan

Pagka’t silang lahat “tubo sa puhunan’’!

vuukle comment

DAHIL

HABANG

KAYA

MARAMING

NANG

NGAYO

PAGKA

PANGINOON

PERO

TALUMPATI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with