^

Punto Mo

Lampong (229)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“I­TO ang mga resibo namin. Imposible na wala kaming naibigay sa iyo. Nagbabayad kami ng tax,” sabi ni Momong kay Jinky.

Hindi mailarawan ang ekspresyon ng mukha ni Jinky. Pinagpipilitan na hindi pa siya nagbabayad pero ang totoo bayad na siya at advanced pa nga.

“Bayad na nga ako at may advanced pa,” giit ni Jinky.

“Kung bayad ka na, nasaan ang resibo Miss Jinky?’’ tanong ni Pac.

“Hindi n’yo nga ako inisyuhan e.”

“Gagawin mo pa kaming ulyanin Ms. Jinky. Etong si Momong ang testigo. Matagal ko nang kasama si Momong at hindi ’yan nagsisinungaling.’’

“Hindi n’yo nga ako binigyan ng resibo. At kahit anong mangyari, hindi ko babawiin ang sinabi ko dahil ’yan ang totoo.’’

“Well sige. Hindi ka namin pinipilit na magbayad pero ikaw din, baka magsisi ka. Baka mamatay lahat ang itik mo kapag…”

“Kapag ano?’’

“Kapag hindi nakatuka ng kuhol…he-he-he!’’

“Maghahanap ako ng ibang supplier. Marami pang nag-aalaga ng kuhol. Hindi lang ikaw ang marunong mag-alaga ng kuhol.”

Napakunot ang noo ni Pac. Hinimas-himas ang makapal na bigote.

“Sige kung ’yan ang gusto mo, Miss Beautiful. Basta ang paalala ko lang ay baka ka magsisi.’’

“Hindi ako magsisisi. Ang dapat magsisi ay ikaw dahil pinipilit mo akong pagbayarin kahit na bayad na ako.”

Napangisi si Pac. Parang nainsulto.

‘‘Matigas ka, Miss, pero ’yan  ang gusto ko. Kapag lumalaban daw ang babae e lumalaban din sa kama.”

“Bastos! Umalis na kayo!”

Pero hindi kumilos sina Pac at Momong.

“Umalis na kayo!”

Pero nagmamatigas ang dalawa.

Nakita ni Dick ang mga nangayayari at humanda siya. Kapag nagmatigas ang dalawa, lalantad na siya. Ipagtatanggol niya si Jinky. Lalaban siya.

(Itutuloy)

vuukle comment

JINKY

KAPAG

MISS BEAUTIFUL

MISS JINKY

MOMONG

MS. JINKY

PERO

UMALIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with