^

Punto Mo

Hayaan ang diskarte ni P-Noy

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

KALIWA’T KANAN ngayon ang mga puna at batikos laban sa ginawang diskarte ni President Aquino sa problema sa Sabah. Pero malinaw na ang paninindigan ng presidente rito na kailangan munang sumuko ang mga tagasunod ng Sultan nang walang kondisyon at saka mag-usap para resolbahin ang usapin.

Sa pinakahuling balita, naglabas na ng statement si United Nations secretary general Ban Ki Moon na naglalayong pahupain ang tensiyon sa Sabah. Nananawagan na magkaroon ng mapayapang pagresolba sa problema at irespeto ang mga karapatang pantao sa mga ganitong sitwasyon.

Dahil dito, nagdeklara ng ceasefire si Sultan Kiram at iniutos sa kanyang mga tagasunod na itigil ang opensiba sa halip ay dedepensa lang kung sakaling atakehin ng Malaysian security forces. Sa paglabas ng statement ng UN, pakiramdam ng pamilya Kiram na sila ay nagtagumpay dahil nakuha rin ang pansin ng international community.

Makabubuting hayaan na lang natin si P-Noy na dumiskarte at kung paano malulutas ang problema sa Sabah dahil siya rin naman ang mananagot sa taumbayan.

Magkakaalaman naman sa darating na May elections kung sumang-ayon ang publiko sa diskarte ni P-Noy sa problema sa Sabah sa pamamagitan ng pagboto. Kung mas maraming kandidato ng team P-Noy ang magwawagi, sang-ayon ang publiko pero kung mas maraming kandidato mula sa UNA, malamang nakaapekto ang stand off sa Sabah.

Bukod sa eleksiyon, malalaman din naman sa lalabas na resulta ng mga susunod na survey kung mananatiling popular si P-Noy sa kanyang panunungkulan. Ang makakabuti ay iwasan na muna ang mga paglalabas ng kung anu-anong pahayag na nagpapalubha sa tensiyon. Dapat ay iisa na lamang ang magsasalita sa panig ng gobyerno upang hindi magkaroon ng komplikasyon na magpapalala sa sitwasyon. Ang taumbayan naman ay libreng mailabas din ang kanilang pulso sa isyu sa pamamagitan ng social networking sites at sa pamamagitan ng media.

Wait and see attitude muna tayo. Kung mali at ayaw ng tao ay asahan na babagsak ang popularidad ni P-Noy pero kung kuntento, malamang na hindi maapektuhan ang rating niya sa survey at ng buong administrasyon.

vuukle comment

BAN KI MOON

BUKOD

DAHIL

KUNG

P-NOY

PRESIDENT AQUINO

SABAH

SULTAN KIRAM

UNITED NATIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with