^

Punto Mo

Wanted na lalaki dinakma ni ‘Batman’

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAGULAT ang mga pulis sa Trafalgar House Police Station sa Bradford, UK, nang biglang dumating ang isang lalaking nakasuot “Batman” at ibinigay sa kanila ang isang wanted man. Nahuli umano ni “Batman” ang lalaki na matagal nang wanted sa kanilang lugar. Pagkaraang maibigay ang wanted, mabilis na nawala sa dilim si “Batman”. Hindi siya nagpakilala.

Hindi makapaniwala ang mga pulis na magagawa ni “Batman” na hulihin ang lalaking wanted. Paano’y matagal na umano nilang sinusubaybayan ito pero hindi nila madakip. Madulas ang lalaki na wanted sa pagnanakaw at iba pang krimen sa lugar.
Ayon sa pulis na nasa helpdesk, biglang dumating si “Batman”, bitbit ang wanted. Sinabi umano sa kanya na “Ako si Batman, hinuli ko ang lalaking ito para sa inyo.” At pagkaraa’y mabilis na umalis. Isinulat ng pulis sa logbook ang mga sinabi ni “Batman”.

Hanggang ngayon isang palaisipan at misteryo sa mga pulis kung sino ang lalaki na nagpakilalang si “Batman”. Pero nagpapasalamat sila rito. Tinulungan silang hulihin ang wanted.

vuukle comment

AYON

BATMAN

HANGGANG

ISINULAT

MADULAS

NAHULI

PAANO

PAGKARAANG

WANTED

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with