^

Punto Mo

Kuya

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Minsang dinalaw ako ng aking boyfriend sa boarding house, nagkasabay silang dumalaw ng kuya ng aking roommate. Sa ibang boarding house nakatira ang kanyang kuya. Napag-alaman namin na iisa lang ang pinapasukan naming unibersidad  kaya sa ilang minuto lang ay naging magkapalagayang loob na kaming­ tatlo.

Ang boyfriend ko at ako ay parehong miyembro ng UST Varsitarian kaya madalas na doon kami tumatambay sa opisina ng Varsitarian. Lingid sa aking kaalaman ay madalas dumaan doon si Kuya at ang madalas hanapin ay ang aking boyfriend. Nang umabot ito sa aking kaalaman ay naisip ko lang na nakikipagkaibigan lang ito. Baka nga naman magselos ang aking boyfriend kung ako ang dadalawin nito sa opisina para makipagkuwentuhan.

Isang araw ay dinalaw ako sa boarding house ng aking pinsang­ lalaki. Nagkataon ulit na naroon si Kuya. Aba, ilang minuto lang ay magkatsika na sila ng aking pinsan. Nang su­munod na magkita kami ng aking pinsan ay tinanong nito si Kuya: Pinsan, tagasaan ’yung baklang nakakuwentuhan ko noon sa boarding house mo?

Si Kuya lang ang nakakuwentuhan niya noon kaya nahulaan ko kaagad kung sino ang tinutukoy niya. Bigla kong naisip ang kuwento ng aking boyfriend na lagi siyang pinupuntahan sa Varsitarian office o sa library. Nagtatrabaho rin kasi siya bilang library assistant.

Ikinuwento ko sa aking boyfriend ang sinabi ng aking pinsan na bakla si Kuya. Saka lang ipinagtapat ng aking boyfriend na nagsisimula na siyang magmalisya nang maging madalas ang pagdalaw-dalaw sa kanya nito. At magaling itong maghanap, laging natutukoy kung nasaan siya. Nabuo na ang aming hinala na may crush si Kuya sa kanya. Mabuti na lang at naunang nagtapos sa amin si Kuya at nakakuha ng trabaho sa probinsiya kaya hindi na ito nagpakita sa amin. Noon ko napatunayan  na hindi ako nakakadama ng selos sa bakla. Babae pa rin ang kinatatakutan kong karibal sa aking mahal.

vuukle comment

AKING

BIGLA

BOYFRIEND

IKINUWENTO

KUYA

LANG

NANG

SI KUYA

VARSITARIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with