Panagbenga
I LOVE my job! Ito talaga ang lagi kong sinasabi sa sarili sa tuwing binibigyan ako ng pagkakataon ng trabaho kong hindi lamang maglakbay kundi pati rin mapabilang at masilayan ang mga pinakasikat at pinakaengrandeng parada at piyesta sa ating bayan. Nitong nagdaang linggo ay ipinadala naman ako sa Baguio para makiisa sa selebrasyon ng Panagbenga 2013. At dahil first time ko ito, sabik na sabik ako!
Kung may isang bagay lang na hindi ko inakala ay ang dagsa ng mga tao mula sa iba’t ibang sulok ng bansa at mundo. At dahil dito ay sala-salabat ang mga sasakyan at grabe ang trapik. Mabuti na lamang at malamig sa Baguio kaya hindi mahirap na maglakad-lakad na lamang. Hindi lamang kasi mga Manilenyo ang gumawi sa Hilaga kundi maging mga dayuhan. Tinatayang nasa dalawang milyong katao ang nasa Baguio noong Linggo para panoorin ang Grand Flower Float Parade. Nakakuha ako ng mga litrato ng malapitan mga alas-sais ng umaga bago nagsimula ang parada ng alas-otso.
Isang pambihirang karanasan sa akin ang Panagbenga dahil una sa lahat, bagama’t ako ay babae, hindi likas sa akin ang makagusto sa mga bulaklak. Hindi ako masyadong fan ng mga rosas. Ngunit nang makita ko ng malapitan ang mga munting bulaklak na talagang bumuo sa malalaking floats, hindi ko mapigilan ang humanga! Napaka-titingkad, napaka-makulay at napaka-metikoloso ng pagkakalagay sa bawat piraso ng namukadkad na mga bulaklak. Sariwang-sariwa at mahalimuyak ang mga ito. Narito ang ilang triviang nakalap ko tungkol sa Panagbenga:
Ang salitang Panagbenga ay may kahulugang, “panahon ng pagyabong, panahon ng pamumulaklak, panahon ng pamumukadkad.â€
Ito ay isang pagdiriwang sa buong Pebrero, ang pinakamagandang panahon para sa pamumukadkad ng mga bulaklak. Lalo na rin at Pebrero idinaraos ang Araw ng mga Puso. Pinili rin nila ang nasabing buwan upang makabisita ang mga tao matapos ang Pasko at bago ang Mahal na Araw.
Ang kultura at produkto ng Baguio at buong rehiyon ng Cordillera ang kanilang ipinapamalas sa Panagbenga.
Ang naging opisyal na logo ng Panagbenga ay disenyong napili mula sa maraming entries ng mga estudyante. Ang artist ng official logo ay nagÂngangalang Trisha Tabangin.
Tulad ng iba pang malaÂlaking piyesta sa bansa, hindi mawawala ang street dancing sa Panagbenga. Siyempre naglaÂlakihan at makukulay na mga bulaklak ang inspirasyon ng kanilang mga costumes. Aliw na aliw ako ng mapanood ang mga PMA-ers at GSP na sumaÂyaw ng Gangnam at Cha-Cha!
Hanga ako sa organisasyon ng Baguio Flower Festival Foundation sa pagma-mount ng engrandeng Panagbenga sa bawat taon. Dahil sa PaÂnagbenga bigla akong nagkainteres na magtanim ng mga halamang namumulaklak.
- Latest