^

Punto Mo

Lampong (219)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAPANGITI si Dick nang makita si Jinky na patungo sa banyo para maligo. Alam niyang maliligo dahil may dalang tuwalya. Habang pinagmamasdan si Jinky sa siwang ng pinto ay nakadama siya ng pananabik sa babae. Naalala niya ang ginawa sa kanya ni Jinky noon. Kaba­taan pa si Jinky noon at sunud-sunuran sa anumang sabihin ng Tita Puri niya. Ngayon ay matured na matured na si Jinky. Maunlad na ang negosyo. Napaka-res­ponsible na babae. Mahusay magpatakbo ng itikan. Nasa ayos na ang pamumuhay.

Nang matiyak ni Dick na nasa loob na ng banyo si Jinky ay nag-isip siya ng paraan kung paano ito makikita o masisilip.

Kailangang tumayo siya sa kama at tumingkayad para makita ang nasa kabilang dingding na walang iba kundi ang banyo. Pero kailangang gawin niya iyon nang walang kaingay-ingay. Kapag nagkamali siya ng kilos, tiyak na maririnig ni Jinky at tapos ang kanyang drama. Mabubuking siya at baka sa halip na matuwa ay magalit.

Pero bago ginawa ni Dick ang pagsilip kay Jinky, inisip niyang mabuti kung tama ba o mali ang gagawin niya. Bakit kailangan pa niyang “bosohan” si Jinky? Bakit kailangan pa niyang sorpresahin ang babae?

Pero nanaig ang pagnanais niyang mabistahan ang katawan ng babaing nang-akit na sa kanya minsan. Paano niya malilimutan ang magandang katawan nito na maski sa panaginip ay nakikita niya.

Sumampa siya sa kama. Tumingkayad. Dumungaw.

Sapol na sapol! Nakatalikod si Jinky at hubad na!

(Itutuloy)

vuukle comment

ALAM

BAKIT

DUMUNGAW

HABANG

ITUTULOY

JINKY

KABA

PERO

TITA PURI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with