^

Punto Mo

Selosong BF; Kaliweteng GF

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

6 na palatandaan na seloso kang boyfriend

1. Sinusubaybayan mo ang kinaroroonan niya kada oras.

2. Nakakasampung beses kang tumawag sa kanya.

3. Iniimbestigahan mo kung paano niya nakilala ang new male friend niya.

4. Pinakikialaman mo ang damit na isusuot niya.

5. Hindi ka na nakikisalamuha sa iyong mga kaibigan dahil ang inaatupag mo na lang ay ang pagguguwardiya sa kanya.

6. Pinaiispiyahan mo siya sa iyong mga kaibigan.

6 na palatandaan na nangangaliwa ang girlfriend mo

1. Hindi mo na madama ang “init” niya kapag hinahalikan mo siya.

2. Hindi niya ginagantihan ang mahigpit mong pagyakap sa kanya.

3. Laging wala sa sarili kapag magkasama kayo. Kapag nagkukuwento ka ay hindi siya nakikinig sa mga sinasabi mo.

4. Lack of passion in bed. Halata naman kung napipilitan lang siya.

5. Kung ano-ano ang nababanggit na pangalan kahit kayong dalawa lang ang magkasama. May mga activities siya na sinasabing ginawa ninyo pero ang totoo ay wala kang matandaan na ginawa ninyong dalawa iyon. May lugar siyang binabanggit na pinuntahan ninyo pero hindi ka pa nakakarating sa lugar na binanggit niya.

6. Nagsisinungaling siya sa kanyang mga schedule.

Susunod: Palatandaan na palpak ang babaeng idine-date mo.

vuukle comment

HALATA

INIIMBESTIGAHAN

KAPAG

LAGING

NAGSISINUNGALING

NAKAKASAMPUNG

NIYA

PALATANDAAN

PINAIISPIYAHAN

PINAKIKIALAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with