^

Punto Mo

‘Pangangampanya ng epalogs’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

SIMULA na naman ng pagpapakitang gilas ng mga pulitiko­, dalawang buwan bago sumapit ang eleksiyon. Lahat­ ng pagpapapansin ay ginagawa ng mga ito para lamang sa inaasam­ na puwesto sa gobyerno.

Saan man tumingin, kapansin-pansin ang mga nakabalan­drang mukha at naglalakihang pangalan ng mga pulitiko sa mga nakasabit na tarpaulin na hindi lamang sa mga de­signated boards kundi maging sa mga poste at kable ng kuryente.

Ang nakapagtataka, mismong ang mga tauhan ng mga pulitikong “epalogs” ay hindi nila magawang madisiplina.

Dahil tuloy lamang ang mga kolokoy sa pagpaskil, pagkabit at pamimigay ng kanilang mga campaign paraphernalia mapa-pampubliko man o pribado ang lugar o establisimento. Habol lamang ng “epalogs” na bumango at itatak sa isip ng mga botanteng Pilipino ang kanilang ipinangangalandakang mukha at pangalan.

Bago pa magsimula ang campaign period ay kaliwa’t kanan na ang mga dumaraming eye sore sa lansangan. Imbis na ma-impress, katawa-tawa ang mga pagbati na nakabandera sa halos­ lahat na yata ng okasyon para lamang makapuntos sa atensiyon ng mga tao.

Samantalang ang ilang desperadong pulitiko, naniniguro sa pamamagitan ng vote buying o panunuhol sa mga botante upang sila ang iboto. Marami pa rin ang kumakagat sa ganitong luma at maruming sistema ng epalogs na pulitiko sa ating bansa dahil na rin sa naranasang kahirapan.

Subalit ang hindi nila nalalaman, malaki ang nagiging epekto ng mga panunuhol tulad nito sa lumalalang problema sa kahirapan ng ating mga kababayan, maliit man o malaki ang sangkot na pera.

Ayon nga sa isang sikat na mang-aawit na si Rey Valera, kaya mo bang ipagpalit ang kinabukasan ng iyong anak sa kaunting barya?

Paalala ng BITAG sa lahat na maging matalinong botante at huwag magpadala sa mga matatamis na salita, makapal na bulsa at kung ano-ano pang gimik ng panliligaw ng mga pulitiko.

 

AYON

DAHIL

HABOL

IMBIS

LAHAT

MARAMI

PAALALA

REY VALERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with