Lampong(207)
“S UNDAN mo ang traysikel na yun at akong bahala sa’yo,†sabi ni Dick sa drayber ng traysikel.
“Pero Sir, malayo ang pupuntahan ng traysikel na iyon.â€
“Paano mo nalaman?â€
“Dahil po sa kulay ng traysikel. Kapag pula po, malayo ang biyahe. Ito pong traysikel ko ay green, dito lang po sa bayan.’’
“Ganun ba. Baka puwede mo akong ihatid sa pupuntahan. Babayaran kita kahit magkano basta sundan mo lang yung traysikel na yun.’’
“E sir…â€
“Sige na. Etong P500, sa’yo na yan. Basta sundan natin.â€
Natakam ang drayber sa P500.
Ibinigay iyon ni Dick.
“Kapag kulang pa ’yan dadagdagan ko pa.’’
“Sige po, Sir. Bahala na. Siguro ay wala pa namang manghuhuli.’’
“Sige sundan mo na yung pula. Pero huwag kang masyadong didikit at baka makahalata ang sakay.’’
Pinaharurot ng drayber ang traysikel. Malayu-layo na ang pulang traysikel na sinasakyan ni Jinky. Pero sa bilis ng sinasakyan ni Dick ay madali nila itong maaabutan.
“Saan ba ang tungo ng pulang traysikel?†tanong niya sa drayber.
“Sa Bgy. Villareal po. Malayo po iyon. Maraming baÂrangay na dadaanan at may zigzag road po na aakyatin sa bundok.’’
“Ganun ba?â€
“Maganda po sa Villareal kaya lang ay malayo talaga.â€
“Maganda naman ang kalsada?â€
“Maganda naman po kaya lang ay paahon kaya nahihirapan ang motor.â€
“Pero nakarating ka na sa Villareal?â€
“Opo. Tagaroon po ang tatay ko. Doon siya ipinanganak. Dati po e Bgy. Daan ang tawag pero noon 1970’s e binago ang paÂngalan sa Villareal.’’
“E di mayroon kayong lupa sa Villareal?â€
“Dati po meron pero pinagbili na ni Tatay dahil nagkasakit si Inay. Pinampaospital.’’
“Maganda ba talaga ang Villareal?â€
“Maganda po. Maraming pinagkakakitaan ang mga tao.’’
Napansin ni Dick na paÂahon na sila sa bundok. UmaÂatungal ang traysikel. Ito na siguro ang zigzag na sinasabi. Maya-maya pa parang ahas na ang daan sa bundok. Walang patlang ang tunog ng motor.
“Malayo pa ba?†tanong ni Dick.
“Malayu-layo pa po.â€
Mamaya-maya, pababa na sila sa bundok.
“Mayroon po tayong daÂdaanang tulay. Paglampas po nun ay Villareal na.’’
Dumaan sila sa tulay. PagÂlampas sa tulay, namangha si Dick sapagkat isang malinis na barangay ang pinasok nila. Mukhang maunlad nga ang Villareal.
Hanggang sa matanaw nila na tumigil ang pulang traysikel na sinasakyan ni Jinky. Bumaba si Jinky.
(Itutuloy)
- Latest