^

Punto Mo

Infatuation

WANNA BET - Bettina P. Carlos - Pang-masa

HINDI dahil buwan ng pag-ibig ay nangangahulugang ang lahat ay umiibig at happy in love. Mayroong iba diyan na lito sa kanilang nadarama at nasa proseso pa ng pagtuklas kung pag-ibig na nga ba ang kanilang nadarama o infatuation lamang. At para sa mga nais malinawan sa kanilang nadarama bago mag-propose sa kanilang mga kasintahan o nais maging kasintahan, basahin ang sumusunod kung ang nadarama ninyo ay love o infatuation lamang.

Ang infatuation ay kapag:

Kaya mong magpuyat buong gabi sa pagkukuwentuhan o pakikipag-text.

Mistulang naglalaho ang lahat ng tao sa paligid mo kapag magkasama kayo at hahamakin mo ang lahat.

Napakataas ng iyong pagkauhaw sa kanya at hindi mo maipaliwanag.

Ikaw ay balisa at mapagduda kapag hindi siya kasama.

Hindi ka maka-focus sa ginagawa at lagi siyang iniisip.

Ikaw ay nagseselos at nagsususpetsa kung ano ang kanyang ginagawa at sino ang mga kasama kung hindi kayo magkasama.

Mayroon kang tendency na magpuputak, mag-nag at mangulit upang naniniguro kung mahal ka ba talaga niya.

Bigla kang gumagawa ng mga bagay na hindi mo naman talaga ginagawa --- tulad ng pagbabantay sa kanyang bahay, labis na panunuyo sa mga magulang at pamilya at pag-iimbestiga.

Naghiwalay kayo at pakiramdam mong the end na ng buhay mo at wala nang rason upang ipagpatuloy pa ang iyong buhay.

Kung may nadarama kang mahigit sa dalawa sa mga nabanggit sa taas, ikaw ay infa­tuated! Ang infatuation ay ma­tinding emosyon na akala mo ay pag-ibig. Subalit ang kalabisan nito ang magpapatunay na hindi nga ito pag-ibig dahil ang love ay hindi all-consuming.

Hindi ko sinasabing mali ang infatuation. Sapagkat sa pagtagal ng panahon ay ma­aaring mahubog sa pagmamahal ang infatuation. Infatuation can mature and grow into love in time. Bagamat delikado nga ito at hindi dapat nagmamadali sa pagpapasyang magpakasal dahil napakatindi ng nadarama. Infatuated ka kung hindi mo nakikita ang kamalian at pagkukulang ng tao. Puro magaganda lang ang nakikita mo kahit may pangit pala. Ang true love, ultimo kahinaan ay minamahal at tinatanggap.

Maligayang Araw ng mga Puso!

 

BAGAMAT

BIGLA

IKAW

INFATUATION

KAYA

KUNG

MALIGAYANG ARAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with