Kilos na Sec. Mar Roxas!
DAPAT ipasara na ni DILG Sec. Mar Roxas ang jueteng sa PRO4-A dahil sa report ng NBI na ito ang ugat ng awayan ng kampo ni Supt. Hansel Marantan, at gambling lord Vic Siman, isa sa 13 namatay sa Atimonan “shootout†kuno noong Enero 6. Alam ko naman na ayaw talaga ni Roxas ng jueteng, at wala na siyang dapat idahilan pa para iutos ang malawakang raid laban sa illegal na sugal. Malinaw naman sa findings ng NBI na awayan sa jueteng ang nagtulak para tambangan at paulanan ng bala ang grupo ni Siman kahit anong sigaw pa ni Marantan na ito ay isang “shootout.†Kapag hindi kasi matigil ang jueteng sa Calabarzon, tiyak magkakaroon pa ng panibagong patayan sa pangambang maggantihan na itong mga alipores ni Siman at ang mahigpit na katunggali na si Tita Dinglasan, na pinapaboran naman ni Marantan. Hindi na dapat hintayin pa ni Roxas na may malagas pang buhay bago kumilos at ipasara ang jueteng sa Southern Tagalog, di ba mga kosa? Kilos na Sec. Roxas Sir!
Sa totoo lang kasi, kahit ibinabando na sa buong mundo na jueteng ang ugat ng “shootout†kuno, tuloy pa rin naman ang jueteng ni Dinglasan sa Calamba City. Ganun na rin ang jueteng ni Dante Alvarez, ang kasosyo ni Siman. Kaya kahit bagong upo sa puwesto si PRO4-A director Chief Supt. Benito Estipona, hindi siya pinapansin nina Dinglasan at Alvarez, di ba mga kosa? Ang siste kasi, tuloy din naman ang pag-iikot ng tropa ni Dodjie Lasierda sa mga pasugalan na umano’y may basbas ni Estipona. Ano ba ‘yan?
Para sa kaalaman ni Roxas, ang gamit ni Lasierda sa tong collection activities niya sa Cavite ay si PO3 Nestor Violan ng Bacoor PNP. Itapon mo sa Mindanao si Violan Sec. Roxas Sir para madala siya at di na pamarisan pa ng ibang tiwaling pulis. Sina ret. SPO4 Dave Abcede at Flo-rence Manimtim naman ang gamit ni Lasierda sa Batangas, sina Ben o Bentot naman ang taga-kolekta niya sa Laguna at si alyas Nano na bata naman ng isang pulis na si Tata Rudy sa Rizal. Hayan Sec. Roxas, habulin mo itong grupo ni Lasierda dahil sila ang pangunahing dahilan para masira ang imahe ng PNP.
Itong findings naman ng NBI na jueteng ang ugat ng Atimonan “shootout†ang nagbasag dito sa no take policy ni dating PRO4-A director Chief Supt. James Melad. Kahit abo’t langit ang kasisigaw ni Melad na ayaw niya ng sugal, hayun napatunayan ng NBI report na nagsisinungaling siya. Pinasara lang ni Melad ang mga pasugalan tulad ng perya at mga sakla para ipakitang seryoso siya sa kampanya laban sa pasugalan. Subalit sa jueteng, mahirap daw itong hulihin, ani Melad. Pero dahil sa NBI report, hindi na makapalag si Melad at bistado na ang drama niya. Kaya marami ang nagsasabi na kinarma si Melad sa Atimonan “shootout†at nasibak pa. Get’s n’yo mga kosa?
Lumilitaw na hindi na nirerespeto ng mga gambling lords ang PNP sa patuloy na operation nila kahit kaliwa’t kanan pa ang pagbando na sila ang dahilan ng Atimonan “shootout.†Itayo mo ang bandera ng PNP Sec. Roxas! May karugtong!
- Latest