Halo-halo Tips
Home cures
• Napaso ang loob ng iyong bibig ng mainit na pagkain. Ang pagsubo ng ice cream o pag-inom ng malamig na inumin ay papawi sa nadaramang sakit.
• Ang pagnguya ng peppermint or cinnamon gum ay nakakapawi ng stress sa mga commuters at drivers dulot ng sobrang traffic.
Beauty
• Pampakinis ng balat ang papaya. Kumuha ng hinog na papaya. I-blender ito. Sa bawat 2 kutsarang papaya, haluan ito ng 1 kutsarang oatmeal. I-blender ulit. Ito ang gagamitin para ipahid sa katawan. Hayaang nakababad sa papaya-oatmeal mixture ang kutis sa loob ng 10 minutes. Saka banlawan. Kung gagamitin sa mukha, linisin muna bago pahiran ng papaya-oatmeal mixture.
• Tuyo at malutong na kuko. Pahiran ng cooking oil ang bawat kuko bago matulog. Balutin ang kamay ng plastic gloves upang hindi mapakuskos ang mantika sa bed sheet. Magdamag na mabababad ang kuko sa oil. Kung kuko sa paa, balutin ang paa ng plastic na angkop sa size ng iyong paa. Talian ng rubber band ang plastic upang hindi matanggal sa paa habang natutulog.
Health
• Makinig ng paborito mong music sa loob ng 30 minutes kada araw upang bumaba ang blood pressure. Ayon sa resulta ng pag-aaral na ginawa ng University of Florence Italy, bumababa ang systolic ng 3.2 points after one week at 4.4 naman ang ibinaba after one month. Mga pasyenteng may alta presyon at araw-araw na umiinom ng gamot ang ginamit nila sa experiment.
• Kumain ng yogurt para matanggal ang bad breath. Ang “live†microorganism na nasa yogurt ang papatay sa bacteria na sanhi ng bad breath. Doble ang benefits na makukuha sa yogurt, pampaalis na ng bad breath, susugpuin pa nito ang osteoporosis. Sapat na ang one serving ng yogurt per day.
- Latest