^

Punto Mo

Lampong(202)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HABANG naglalayag ang barko ay hindi mapakali si Dick. Una dahil iyon ang una niyang pagsakay sa ferry at mapapalayo siya sa Maynila. First time niyang mararating ang island ng Mindoro. Ayon sa nabasa niya, nahahati ang Mindoro island sa dalawang probinsiya – Oriental at Occidental. Sa Oriental ang punta niya sa bayan ng Socorro. Hindi niya alam kung gaano kalayo ang Socorro sa Calapan City. Hindi rin niya alam kung ano ang sasakyan sa Calapan City para makara­ting sa Socorro. Ang address ay binigay lamang­ ni Lolo Fernando. Hindi rin niya alam ang eksaktong address ni Jinky sa Socorro.

Nang mainip sa pagka­kaupo ay nagtungo sa roof­deck si Dick. Maganda pala ang tanawin doon. Makikita ang mga maliliit na island. Natatanaw ang mga beaches. Napakaganda ng bundok. Berdeng-berde. Payapang-payapa ang alon. Walang kagalaw-galaw ang barko.

Sinulyapan ni Dick ang relo. Alas-otso pa lamang ng umaga. Tamang-tama pala ang alis niya dahil hindi pa gaanong mataas ang araw. Kinuwenta niya kung anong oras darating sa Calapan City. Kung dalawang oras ang biyahe­, mga alas-diyes ay naroon na sila.

Kailangan, pagdating sa Calapan City ay magtatanong na siya kung paano makaka­rating sa Socorro. Dapat ma­laman niya dahil baka kung saan siya makarating. Pa­ano kung malayo pa pala sa Socorro­ ang bahay nina Jinky? At ano nga kaya ang sasakyan patungo roon.

Ipinasya niyang maupo. Maraming bakanteng upuan. Hindi pa siya natatagalan sa pagkakaupo ay isang lalaki ang naupo malapit sa kanya. Mga 30-anyos ang lalaki at mukhang mabait. Naisip ni Dick na dito magtanong at baka alam kung saan ang Socorro.

“Pare magtatanong lang, alam mo ba kung saan ang Socorro?”

“Oo. Malayo pa yun. Mga tatlong oras pa mula Calapan.”

“Madali lang makita?”

“Oo. Nasa highway.’’

“Doon kasi ang tungo ko. First time ko lang pare.’’

“Aba e di sumabay ka na sa akin. Mayroon akong sasakyan. Patungo naman ako ng Pinamalayan at dadaanan ang Socorro…”

Natuwa si Dick. Hulog ng langit sa kanya ang la­laking ito.

(Itutuloy)  

 

CALAPAN CITY

JINKY

KUNG

LOLO FERNANDO

MINDORO

NIYA

SHY

SOCORRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with