^

Punto Mo

Dynasty sa bansa, gusto rin ng mamamayan

KUWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

NAGLUNSAD na naman ng isang panibagong grupo na naglalayong maglunsad ng kampanya laban sa political dynasties. Kung hindi ito mapipigilan ay baka magising na lang tayo na halos lahat ng posisyon sa gobyerno ay kontrolado na ng iilang pamilya.

Ang tinutukoy ko ay ang Movement Against Dynasties (MAD) na maglulunsad ng kampanya upang makalikom daw ng pirma upang pigilan ang political dynasty.

Pero mahihirapan nang maalis ang political dynasty dahil kinukunsinti na ito ng mamamayan. Sa katunayan, paulit-ulit din naman nilang ibinoboto ito tuwing eleksiyon. Kung pagbabatayan ang pinaka-huling survey ng Social Weather Stations (SWS), namamamayagpag na naman ang mga anak o kamag anak ng mga pulitiko na may posisyon sa gobyerno. Dahil dito malabong makalusot sa Kongreso ang anti-political dynasty bill.

Maraming Pinoy ang nasusuka sa political dynasty bagamat ang ilan ay  hindi naman makakilos laban dito lalo na sa mga probinsiya dahil talo sila sa pera ng mga pulitiko.

Malaking tulong ang hakbang ng MAD dahil gigisingin nito ang kamalayan ng mga mamamayan laban sa political dynasty. Sana ay makahabol ang kampanyang ito dahil sa Mayo ay eleksiyon na. Umaasa ako na hindi na iboboto ang mga kandidatong  sabit sa political dynasty na wala namang nagawang kabutihan sa bayan bagkus, nagpayaman lang.

Mas makikita ang masamang epekto ng political dynasty sa mga probinsiya dahil kontrolado na lang ng isa o dalawang pamilya ang mga puwesto sa pamahalaang local. Madali nilang mamaniobra ang mga proyekto at negosyo na ang kawawa ay ang taumbayan.

Sana makalusot ang pagpapalagda laban sa political dynasty.

DAHIL

DYNASTY

KONGRESO

MADALI

MARAMING PINOY

MOVEMENT AGAINST DYNASTIES

POLITICAL

SANA

SOCIAL WEATHER STATIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with