^

Punto Mo

Lampong (197) R

Ronnie M. Halos - Pang-masa

PATI sa panaginip ay hin­di maikakaila na nanga-ngailangan siya ng makakasamang babae sa buhay. At hindi lang makakasama kundi makakatalik na rin. Hindi ta­laga uubra na wala siyang “kalampungan”. Nasa dugo na niya na dapat ay mayroon siyang “kalampong’’.

Pero kung magkakaroon man siya ng kalampungan, sisiguruhin niya na iba na ang kanyang magiging prinsipyo. Magiging parehas na siya sa makakalampungan. Kasi, babae ang agrabyado kapag hindi siya nagbago. Kawawa naman ang babae dahil pinakialaman na niya nang todo. Hinalungkat na nang todo at pagkatapos ay magkakawalaan lang. Gaya ni Sarah noon na masyadong nasaktan makaraan silang magkahiwalay. Pero naka­ba­wi naman dahil nakapag-asawa at nagkaroon ng mga magagandang anak. Hina-yang na hinayang siya.

Basta sa pagkakataong ito, pangako ni Dick, magiging makatao na siya sa makakalampungan.

Pero ang problema ay sino kaya ang maaari niyang makalampungan. At totoo yata na kapag naghahanap ka nang makakalampungan saka naman nagmamaramot. Wala na yatang gustong makipaglampungan. Kung kailan niya gustung-gusto ay saka naman walang babaing makalampu-ngan.

Madalas siyang mamasyal sa mall. Karamihan sa mga naging kalampungan niya ay sa mall naki-lala. Kung minsan ay sa loob ng restaurant.

Pero ka­hit magbabad siya sa mall ay wala siyang maispatan. Lumipas na nga yata ang karisma niya sa babae.

At kapag may nakaka­sa­lubong siyang pamilya na masayang namamasyal, ing­git na inggit siya. Kailan siya magkakaroon ng pamilya? Kailan kaya siya makakakita ng babaing makakalampu-ngan at aanakan?

Hanggang sa maisip niya, bakit hindi niya hanapin si Jinky. Baka si Jinky ang tumanggap sa kanya. Pero saan niya ito hahanapin? Baka nasa probinsiya? Hindi niya alam ang probinsiya nito. Sino ang maaari niyang pagtanungan?

Naisipan niyang magbalik sa inabandonang unit na pag-aari ni Puri. Tiyak na sa mga kapitbahay nito ay may makapagsasabi kung nasa­an si Jinky. Yung lalaking napagtanungan niya noon ay walang masabi dahil bago lang sa lugar.

Isang araw, bumalik si Dick sa unit. Kailangan may makuha siyang info kay Jinky. (Itutuloy)

 

vuukle comment

GAYA

HANGGANG

HINA

JINKY

KAILAN

NIYA

PERO

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with