‘Atty. para kay Atty.’
EDUKADA’T tinitingala. Sa pustura pa lang kagalang-galang na. Sino ba naman ang mag-aakalang ang ginang na may titulo sa pangalan ay siya pang magbibigay ng problema? “Huwag kang mag-alala ibabalik ko yan,†ang paulit-ulit nitong pangako. Hindi mo alam kung ito’y salitang hangin lamang. Dumulog sa aming tanggapan si Bienvenida Flor Suarez, 83 taong gulang, nakatira sa Cavite. Nirereklamo na niya ang isang abogado. Si Atty. Eleonor Maravilla-Ona ng Cavite. Nagsimula ang kanyang problema nung hindi sila magkasundo ng kanyang anak na lalaki na si Joseph Suarez. Hindi sila nabiyayaan ng anak ng asawang si Bitalino. Sa kagustuhang magkaroon ng batang tatalon-talon at mag-iingay sa bahay nilang mag-asawa lumapit sila sa mga ospital. Sa Philippine General Hospital (PGH) sila unang nakapag-ampon noong taong 1968. Ito ang kanilang panganay na si Maria Victoria Suarez. Taong 1973, isang batang lalaki naman ang kanilang inadopt mula sa Jose Reyes Hospital, si Joseph. “Meron kasing mga sanggol dun na inabandona ng kanilang mga magulang, hindi naman kayang buhayin yun ng ospital kaya ipinaampon nila,†salaysay ni Flor. Ang dalawang batang ito ang bumuo sa pamilya nilang mag-asawa. Dahil sa nakaugalian nating mga Pinoy na ang lalaki ang dapat na bumuhay sa mag-anak, naisip ni Flor na ipamana ang lupa’t bahay sa anak na lalaki. “Siya rin kasi ang tumulong sa akin sa pag-aalaga sa asawa ko nang magkasakit,†wika ni Flor. Naging maayos ang relasyon nilang mag-ina. Nag-asawa na ang kanilang panganay at naiwan namang kasama niya sa bahay si Joseph. Nagkalamat lang ito nang mahalin ni Joseph si Rowena, bagay na pinakatinutulan ng ina.
“Ang gusto ko kasing mapangasawa niya yung malayo kong kamag-anak na si Janette. Kasal naman sila at may isa nang anak,†sabi ni Flor. Ilang ulit na ipinaramdam ni Flor ang kanyang pagsalungat sa desisyon ng anak. Pero wala siyang nagawa dahil nagmatigas si Joseph sa pakikipagrelasyon kay Rowena. Noong Pebrero 22, 2011 nagsadya si Flor sa tanggapan ni Atty. Ona para ilipat ulit sa kanyang pangalan ang titulo ng lupa’t bahay. Kwento ni Flor, nagbigay siya kaagad ng isang libong piso para sa ‘consultation fee’. “Sabi ni Attorney 48,000 pesos daw ang kailangan kong bayaran sa kanya,†salaysay ni Flor. Hiningan siya ng mga dokumentong kakailanganin sa paglilipat ng titulo at agad niya itong ibinigay. Ika-apat ng Marso taong 2011 bumalik siya sa opisina ni Atty. Ona para ihatid umano ang halagang 35,000PHP. Nasundan pa ito noong Marso 28, 2011 ng labindalawang libong piso. “Ilang buwan na ang nagdaan hindi pa natapos ang pagpapa-transfer ng titulo kaya naman naisip kong huwag na lang ituloy,†kwento ni Flor. Hiningi ni Flor ang mga ipinasang dokumento sa abugado at maging ang ibinayad dito dahil wala naman daw itong kinahinatnan. Sa tuwing kukunin ni Flor ang perang ibinayad niya sa abugada “Babayaran ko po kayo,†lagi umano nitong paÂngako. Paunang bayad ni Attorney, halagang 5,000PHP lamang at nangakong isusunod ang kulang. Isang taon nang nag-aabang si Flor na maibalik ang kanyang pera kaya naman hindi siya tumigil sa pangungulit kay Atty. Ona. Binigyan siya ni Atty. Ona ng tsekeng nagkakahalaga ng 58,000PHP noong Ika-9 ng Mayo taong 2012. Agosto 2, 2012 tumawag si Flor kay Atty. Ona. “Saglit lang po Misis walang laman ang aking account,†sabi umano sa kanya ni Attorney. Dinala ni Flor sa bangko ang tsekeng ibinigay sa kanya ni Attorney. Akala niya matatapos na ang kanyang paghihintay, ang resulta…tumalbog lang ang tseke at kahit piso wala siyang nakuha.
Lumapit na rin si Flor sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) pero hanggang ngayon wala pa umanong nakatakdang hearing. Ibebenta na lang nila ang bahay at lupa at pumirma rin naman si Joseph bilang patunay na pumapayag siya sa gusto ng ina. “Ang gusto ko na lang ngayon makuha yung pera ko sa kanya. Wala naman akong napala sa binayaran ko. Hindi ko na itutuloy ang pagpapa-transfer ng pangalan sa titulo,†salaysay ni Flor. Ito ang dahilan ng pagdulog niya sa aming tanggapan.
Itinampok namin sa aming programang “CALVENTO FILES†sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat†ng DWIZ882 khz (Lunes-Biyernes 3:00-4:00 ng hapon at Sabado 11AM-12PM) ang problemang ito ni Flor. SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, itinuturing nating sandalan sa larangang legal ang mga abugado… manananggol ng mga naapi. Kung pagbabasehan natin ang mga sinaÂsabi ni Flor na binayaran naman siya ng naaayon sa presyong kanyang hiningi at lahat ng kailangan niyang dokumento ay ibinigay naman daw sa kanya. Hindi ko lang makita kung ano ang dahilan ni Atty. Ona kung bakit di niya umano ginawa ang kanyang trabaho. Kasong Batas Pambansa blg. 22 (BP22) ang maaari niyang kaharapin dahil sa pagbibigay ng talbog na tseke. Kung gugustuhin ni Flor, pwede siyang magreklamo o magkaso ng disbarment sa iba para sa umano’y ginawang panloloko sa kanya. Para dun ito dinigin at kapag nakitang may basehan maaari siyang patawan ng karampatang parusa. Sinubukan naming tawagan si Atty. Ona sa kanyang cellphone at telephone numbers na binigay kay Flor subalit hindi namin siya makontak.
MULI para sa isang patas na pamamahayag, tinatawagan namin ng pansin si Atty. Eleonor Maravilla-Ona para kunin ang kanyang panig sa kasong ito. Nagpadala kami ng liham ng paanyaya sa address na ibinigay sa amin subalit wala kaming natanggap na sagot. (KINALAP NI CHEN SARIGUMBA) Sa gustong dumulog sa aming tanggapan, ang aming mga numero, 09213263166 (Aicel) 09198972854 (Monique) o 09213784392 (Pauline). Ang landline 6387285 at ang 24/7 hotline 7104038 o magpunta sa 5th floor City State Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Biyernes.
- Latest

















