^

Punto Mo

‘BITAG, mamayang gabi na!’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

NGAYONG Sabado na muling mapapanood ng sam­bayanan ang maaksiyon at umaatikabong BITAG.

Mula 9:30 hanggang 10:00 ng gabi sa People’s Television Network channel 4, linggu-linggo na namang aabangan ng publiko ang pagsasahimpapawid ng BITAG.

Panoorin ang action-packed drug operations special na inihanda ng grupo ng BITAG para sa lahat ng aming mga tagasubaybay sa buong buwan ng Pebrero.

Hindi ito palabas na puro kuwentuhan at dinadala lamang ng script dahil lahat ng mga drug operations na ikinasa ng Philippine Drug Enforcement Authority kasama ang BITAG ay aktuwal at sadyang mapanganib.

Ang kaibahan ng BITAG sa mga kakumpetensiyang programang napapanood ngayon sa telebisyon, estilong Diary, Documentary and Reality o “DDR”.

Tinitingnang mabuti ang procedural, tactical at ang mismong actual operation sa bawat operasyong isinasagawa kasama ang BITAG na kahalintulad sa pamantayan ng Discovery at National Geographic Channel.

Habang sinusulat ko ang kolum na ito, kasalukuyang nasa operasyon ang ibang grupo ng BITAG na target ang malaking plantasyon ng marijuana sa bansa.

Lalong pinalakas at pinalaki ang BITAG dahil syndicated na ang programa na maaari ring maipalabas sa hindi kakumpetensiya ng malaking network na Kapatid Network, TV 5.

Ugaliing subaybayan ang BITAG AT Pinoy U.S. Cops tuwing Sabado sa PTV Channel 4.

Mag-uumpisa sa Pinoy U.S. Cops ng alas-8:30 hanggang alas-9:00 ng gabi, susundan ng Philip­pine Lotto Draw at pagsapit ng 9:30 hanggang 10:00 ng gabi, ang pinakahihintay ng taumbayan na BITAG. Kaya naman sa lahat ng aming mga tagasubaybay, panooring muli ang BITAG.

BITAG

DOCUMENTARY AND REALITY

DRUG ENFORCEMENT AUTHORITY

HABANG

KAPATID NETWORK

NATIONAL GEOGRAPHIC CHANNEL

PINOY U

SABADO

TELEVISION NETWORK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with