^

Punto Mo

435 pinatuyong ‘ari’ ng aso, kinumpiska sa taiwan; mahusay daw sa pakikipagtalik

- Arnel Medina - Pang-masa

NIREPORT ng Animal Disease Research Center sa Taiwan na isang illegal slaughterhouse ang kanilang sinalakay at hindi nila akalain na makakakumpiska sila roon ng mga pinatuyong penises o “ari”  ng aso. Bukod sa mga “ari” nakakumpiska rin sila ng mga pinatuyong bayag ng aso at iba pang laman­loob. May mga sariwang karne ng aso rin silang nakuha roon.

Noon pa umano nila tinitiktikan ang illegal na katayan ng aso. Ang pagkatay at pagbebenta ng karne ng aso ay mahigpit na pinagbabawal sa Taiwan.

Ang labis na nakagulat sa mga awtoridad ay kung ano ang gagawin sa maraming “ari” at bayag na pinatuyo. Nang bilangin ang mga “ari” ng aso, 435 lahat iyon.

Ayon naman sa mga mamamahayag, ang mga pinatuyong “ari” ng aso ay maaaring ingredient sa herbal wine. Umano, ang pinatuyong “ari” ng aso ay nagpapalakas sa pakikipag­talik.

ARI

ASO

AYON

BAYAG

BUKOD

NANG

PINATUYONG

UMANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with