Natuklasan na! 40 paraan para maging ‘healthy and happy’
16. Mangarap habang gising.
17. Iwasang mainggit sa kapwa. Hindi mo lang alam, marami kang katangian na mas nakakahigit sa kanya.
18. Iwasang isumbat ang mga pagkakamaling nagawa sa iyo ng mahal mo sa buhay. Huwag nang kutkutin ang natuyo nang sugat. Ikaw din, kapag nagdugo ulit ’yan, mananariwa ang sugat at babalik na naman ang kirot na nadama.
19. Okey lang na mainis sa mga taong “annoying†sa iyo ngunit palipasin din ito pagkaraan ng ilang segundo. Maikli ang buhay para isama mo pa sa iyong hectic schedule ang mga nakakainis na tao.
20. Kung may madilim na nakaraan, kalimutan mo na ito. Kung hindi, padidilimin din nito ang kasalukuyan mo.
21. Ikaw lang ang makakapagpaligaya o makapagpapalungkot sa sarili mo. Wala nang iba.
22. Isipin mong ang buhay ay parang isang paaralan. Ang mga problema ay mga exams na minsan ay naipapasa mo o ibinabagsak. Huwag mong bilangin ang iyong pagbagsak kundi ang mga aral na natutuhan mo sa bawat pagbagsak.
23. Magpatawa at tumawa.
24. Hindi kailangang makipagtalo para lang igiit ang iyong paniwala.
25. Kung may kapamilyang nasa malayo, sikaping regular na makipagÂkomunikasyon sa mga ito. (Itutuloy)
- Latest